wag kasing ma-pride!
nung isang linggo, pinasama ako ni daddy sa mga member ng CHRISTIAN LIFE PROGRAM- CFC members papuntang FUJEIRAH. mga pinoy families na nag ccamping weekly para sa community nila. para daw marami akong makilala at makarating ako sa border.
yung isang "brother" dun. si bro. caesar nakipag kwentuhan sakin. masarap siyang kausap at masarap pakinggan yung mga kwentong pamilya nila. kung paano sila bumuo ng pamilya dito sa UAE. matagal na daw sila rito simula 80's pa. wala pang matataas na building dito eh nandito na sila. isa rin sila sa mag asawa na mga pioneer ng Couples for Christ dito sa emirates.
marami na silang natulungang mga pinoy makahanap ng trabaho. marami na rin silang pinoy na tinulungan magbalik loob sa taas.
at hanggang ngayon, lumipas na ang ilang araw, iniisip ko pa rin yung mga sinabi niya, pati yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. weird ba talaga at feeling ko ngayon lang ako nakaramdam ng existence?
inaamin ko, nawalan na ako ng ganang magdasal. kasi ilang beses akong nagdadasal sa isang araw. hindi ko alam kung nadidinig ba niya? o naririndi na siya sa mga dasal ko. hanggang sa nagsawa na ako kasi parang kahit anong klaseng paraan ang gawin ko palang pagdadasal, wala rin nangyayari. at paulit ulit lang ang problema ko. at tuwing taimtim akong nagdadasal may mas MALALANG problema ang dumdating. lahat ng paraan ginagawa ko at ginawa ko na pero parang wala pa rin siyang nadidinig. ang masakit dun, hindi ako nakalimot.
tapos sabi niya sa akin:
"...hindi ka na kasi nagdadasal, hindi ka na humihingi sa kanya. itry mong katukin siya ulit at pagbibigyan ka niya. WAG kang magmataas kasi tao lang tayo. sabihin mo sa kanya pag lalabas ka ng flat niyo, panubayan ka niya at ipaubaya mo lahat ng mangyayari sayo sa araw na yun sa kanya, wag ikaw ang magkontrol sa buhay mo.."
ako naman sa sarili ko parang ang corny ata at tinatanong ko sa sarili nung mga oras na yun kung anong pinagsasasabi ng taong yun at di ko naman sila kilala at bakit nandun ako sa oras na yun na dapat tulog na ako sa mainit na kama namin at hindi ako nanginginig sa lamig sa pagtulog sa tent.
tapos kinabukasan lumakad ako ulit sa dubai. habang nasa biyahe ako sinubukan ko ulit magdasal, hinamon ko siya. ang sama ko pero habang nakatingin ako sa langit sabi ko sa sarili ko, patunayan niyang nadiding niya ako. sa totoo lang kulang ang pera kong papunta ng dubai. kung iisipin ko talagang hindi ako makakauwi. tapos di ko pa alam yung saktong location ng pupuntahan kong interview. pero pagbaba ko sa bus station, may nakilala akong pinay, papunta rin sa pupuntahan ko. isinabay niya ako sa kotse niya, binigyan niya rin ako ng referral sa office niya. tapos pumasa ako dun sa interview na pinuntahan ko. (actually magstart na ako sa sunday). tapos paglabas ko sa building na yun, di ko alam kung pano pag punta sa BUR DUBAI kung san kami magkikita ng super friend kong si claren. nagtanong ulit ako dun sa mag bf na mga pinoy sa daan. luckily, may sasakyan rin sila at inihatid nila ako dun sa mall. tapos binigyan rin nila ako ng referrals. ang magaling pa dun, yun pinsan nung girl batchmate ko sa epiyu. pagdating ko dun, nilibre ako ng lunch ni CLENG at sa JOLLIBEE pa. nagwindow shopping kami at hinatid niya rin ako sa bus station. libre niya lahat. may pasalubong pa ako sa daddy ko nun.
bago ako matulog nung gabing yun, nagdasal ako, sinabi ko sa kanya kong sinusubukan lang ba niya ako at pinaeexcite. pero hindi pa rin niya ako tinigilan sa signs niya. kinabukasan may tumawag sakin. yung asawa ni BRO. Caesar. kinukuha akong reliever sa december kasi magbabakasyon daw sila sa pinas.
hindi ko alam kung hanggang kelan to. hindi ko alam kung totoo ba to. pero sabi nga ni bro. C. wag akong mapride, siguro sapat na yung malaman kong meron palang nakikinig sa likod ng mga ulap na tinitingnan ko.
No comments:
Post a Comment