Thursday, August 09, 2007

going home...

mula nung nagbakasyon at nangaling mulas a bakasyon yung mga housemates ko dito sa Dubai,
madalas malungkot na ako. Hindi ko alam at sumisirko na naman ang mood ko. madalas, wala na naman ako sa sarili at naluluha na naman ako ng walang dahilan.

siguro dahil, naaeexcite na talaga akong umuwi. tae, 5 buwan pa, ang tagal pa nun. parang napaka habang pag hihintay at naiiinip na naman ako. gusto kong pabilisin ang bawat oras at araw na pinag stay ko dito sa opis.

excite na akong ikwento sa lahat ang mga experience ko dito. maganda man o panget. lahat yun, gusto ko ng ishare sa mama ko, sa kapatid ko pati sa mga kaibigan ko.

ang nakakatakot lang,.
alam ko, tulad ko, marami ng nagbago.
ako nga nagbago, pano pa sila?
kilala pa ba nila ako?
ganun pa rin ba silang makitungo sakin?

pag mag isa ako ngayon
pag di makatulog.
marami na akong naiisip gawin.
marami ng pinaghahandaan.
marami na akong binibili; at marami na akong gustong bilhin
marami na ako plano.

planong tulad ng, kung sino ang mga una kong tatawagan.
tas ipapaluto ko sa mama ko yung ginataang langka at masarap na daing na kalaso.
papagawa ako ng kalamay sa lola ko.
papabili ako ng mangga at saging na senyorita.
gusto kong kumain ng kahit anong value meal ng Jollibee na may chicken joy at sfageti, o kaya pizza ng yellowcab, red tea ng tokyo tokyo or onion ring ng chef d'angelos.

heaven!
being HOME IS HEAVEN.