Friday, May 18, 2007

SA buong linggo, Friday lang ang heaven day para sakin dahil makakapag internet rin ako na ipinagkakait samin sa office.

friday rin ang loaded day para mga comp shop dito sa Dubai. Mostly pinoy ang laman ng mga ito. tulad ngayon. parang palenke ang kinalalagyan ko. Imbes na mag emote ako sa sarili kong problema, mukha atang inihahain ko pa ang mga tenga ko s amga problema ng mga kapwa ko pinoy sa loob ng comp shop na ito.

biro mo, itong katabi ko ang problema nilang mag asawa eh yung bubong ng bahay ng magulang nila.

itong isa ko pang katabi. Mukhang ka-chat niya ang asawa niya sa Pinas habang katabi naman niya yung asawa niya rito sa Dubai. Komplikado ito.

samantalang ako, problema pa rin ang pera. hahaha...

Sobrang init na ulit dito ngayon. sa tantsa ko, 43 Degrees na ulit tulad nung isang araw. nakakasunog sa balat. tumatagos sa damit. ang itim ko na naman. kailangan ko ulit bumili ng katakot takot na sunblock para naman pag uwi ko sa pinas sa JANUARY, hindi nila sasabihin na nangaling lang ako sa Cebu or sa Davao sa kaitiman ko.

Speaking of PAG-UWI. lapit na yun. 2 months nalang at ma-coconfirm na ako (hopefully). tas 6 months nalang pwede na ako umuwi. (ang mahirap lang dun, til now wala pa rin akong ipon)

pero sige try kong umpisahan na yan.

makikita ko na rin kayo?

pasalubong? hmm. pag iisipan ko yan.

ciao!