Wednesday, November 23, 2005

ito ang dalawang messages sa akin ng mga matalik kong kaibigan na si JAZ at JAY nung birthday ko. Gusto ko lang i-share kasi sa tuwing binabasa ko 'to ng paulit ulit nabibigyan ako lalo ng pag asa. napakaswerte ko sa kaibigan at hindi nila ako nakakalimutan. SALAMAT SALAMAT! hindi ko alam kung kelan ako makakapagsalamat ng personal. ummm. utang ko muna ang kape! =D makakabawi rin ako.


from JAZ's blog:

(post para sa akin at kay RONS)

i wish i could tell you not to get depressed anymore. that, hey cheer up, there are still better things in life to be glad about. kaso i've also been there and somehow i know the feeling. mahirap ang pakiramdam ng walang katiyakan ang lahat. mahirap maging malungkot dahil feeling mo walang nangyayari sa buhay mo.
for about a year and a half i felt like i was a tennis ball hurled back and forth across the net. i was riding in a roller coaster set of emotions. it's draining and yes, it's really depressing to the point that sometimes you feel like giving up and forgetting the whole thing. i moped, i pitied myself, i felt overly pathetic. kaso isang araw parang naramdaman ko na nalang na, well ganon talaga. it's one of the reasons why you're here on earth for. to experience not just the beautiful things in life but also the ugly ones kaya it's either you do something about it or you just let it control you. sabi nga ni jessica zafra, "Nothing is more depressing than getting depressed without putting up a fight." kaya sige laban lang tayo. ganyan lang talaga. lilipas din yan. siguro hindi pa ngayon, hindi mamaya, baka bukas o sa isang taon pa. pero sana habang andon tayo laban lang.
sana pede kong sabihin na stop being depressed kaso ayoko kasi naisip ko sa isang banda maganda na rin yung makaranas tayo ng ganyan para kahit papano natututo tayo sa buhay natin. depression made me miserable but at the same time it did me some good. in some ways marami akong natutunan sa sarili ko. at dahil don nagpapasalamat ako.

would i dare go back to it if the situation pushes me to? hell no. hanggang kaya ko pipilitin kong hindi na kahit pa di rin yan maiiwasan dahil lang tao ako. siguro the point is, enjoy lang. may mga pagkakataon na magandang byahe ang nasasakyan natin, may mga araw ding bad trip pero siguro ang mahalaga ay kung anong ginawa natin habang nasa byahe tayo.

masaya parin ang buhay kahit ocassionally may sayad ang mundo.

my prayers for both of you. kapit lang tayo mga kaibigan. :)


from JAY: (medyo edited nga lang. may mga binura lang akong ibang linya.. hehehe)

SUBJECT: nandito lang ako

point by point:-
i never gave up. i delayed myself. and i'm heaads up for the reason why...
- kung ano ang wala sa iyo, hindi mo pa yun kailangan sa ngayon. gamitin mo ng maigi at mabuti ang kung ano ang meron ka. at alam mo kung anu-ano ang mga yun..
-wag mong isipin yung mga 'bakit' dahil yung mga tanong na yon ay laging may sagot. Hindi nga lang agad-agad... At magiging malinaw rin lahat IN DUE TIME. Mag- ingat ka rather sa 'paano'. Kasi yun either you know it or you don't. And it's up to you if you will know it or not.
-the person who never took the chance never had a chance.-excite yourself. do something noone expects you to do. not even you. i left my pride for a better daily life..
-your family cannot be compeled to do otherwise. that's why like i said during the last line, i decided to leave the house by next year.. i already looking for housemates na kilala ko..
-hindi malalaman kung ano yung mga mali kung matatakot kang magkamali. get there and if you're there, call for me (us).
we should talk. personally. tell me when. kahit sunduin kita sa haus nyo. (engeng sketch, if ever, hehe)

Friday, November 18, 2005


insomniac.
natatakot ako.
kaya hindi ako makatulog.
natatakot maulit muli ang walang pagbabagong araw ngayon,
pero kailangan ko pa ring ipikit ang mga mata ko aat mapanaginipan ang dapat sana ay mangyayari na sa buhay ko. kahit sandali lang. mahirap pero pipilitin ko, makalimutan lang ang sakit na dulot ng REALIDAD na MAKAKASAMA ko HABAMBUHAY

Tuesday, November 15, 2005

Image hosted by Photobucket.com

suzette, ivan, ME, jonald, jemai, darlene and shine- taken November 2, 05

Image hosted by Photobucket.com

my younger sister KAHLA, me, and my ATE BLAUNCH- taken the night before my bday
And now, im 22.

I woke up 6 am.
I waited for the sun to come out, then muni muni ng sandali. I thought about everything that had happened in the past 21 yrs. Of my so-called life. Merong malungkot, may masaya at nakakahiya. Naalala ko rin yung personal struggle na pinagdaanan ko 3 wks ago. It was kinda long compared sa mga previous melancholia ko. Akala ko nga hindi na ako makakarecover. Now, im filling out the spaces I missed. Kelangan kong bumawi sa mga nalampasan ko at mga nakalimutan ko.

Kaya nagsimba ako around 7am. I thanked the lord for all the blessing he has given me. Kahit minsan talagang feeling ko di ko na kinakaya at kadalasan kinukuwestiyon ko na siya. Ilang beses na ako bumitaw sa kanya pero I still find myself coming back to him. At siya, nadyan pa rin. Sumusubok. He just want me to realized and learned something…

Yahweh, thank you so much!


Hmmm. Right after the mass, MR DRUMMER boy was waiting for me outside the church. Treated me out for BRUNCH (hell, yeah, baliktad ang mundo) and had some nice talk. Although very limited lang yung time kasi alam kong pagod na siya at wala pang tulog galling gig. But he drove all the way from south. *sweet* he is such a nice person and I really appreciate such kindness. (That’s another story…)


Anyway, I went back home.
I got all those touching text messages from friends. Ang daming nakaalala kahit yung mga dating hindi nagpaparamdam. They made me feel important. Sana lagi ko nalang bday. Yahoo!

Tapos nag dinner naman kami nila AYN at ODETTE sa MARIO’s kitchen sa rob place. (the best ang sisig dito, try niyo!) LIBRE ULIT.

Nakakahiya na nga sa kanila. I didn’t spend even a single centavo, kahit ako pa naman yung celebrant. I told about it kasi nagseSELF-PITY na naman ako. Wala man lang kasi ako maishare sa kanila. Pero she told me na I dont have to feel that way and they want me to feel better and happy. Siguro this past few days ramdam nila yung bigat ng loob ko na tinatago ko. Hay kelan ba ako makakabayad sa dalawang ‘to. Ang hava na siguro ng utang ko at natatakot akong baka hindi ko na mabayaran. Hindi ko tuloy napigilang umiyak.

Nevertheless. Tagumpay sila at nabuo yung araw ko.

Imagine, I celebrated my birthday with some of the special people in my life. LUCKY ME.

Bago matapos ang gabi. Isang text mula ulit kay DB:

“you are so fortunate at 22 ka na. you should be thankful for that. Naging mabait ka kaya it pays kaya maraming nagmamahal sayo. Sana tuloy mo lang yan. Kahit daming hassle ang buhay, nandito naman ako, este kami. Mag iingat ka kagi.”- 23:36 Nov.13, 2005


salamat sa mga bumati. I really appreciate it. Ilabyouol. alam niyo na kung sino kayo.

Friday, November 04, 2005

i was once told by a friend na DONT give up searching for my life.
eh pano ano gagawin mo kung isang taong alam mong malakas ang loob at nagpapalakas ng loob mo dahil pareho kayo ng situtaion eh nag give up na lang and he just let the wind blows over his feet and gave up his independence. shet di ba.

PEOPLE change ika nga pero pano kung sarili mo minsan hindi mo maramdaman ng may nagbabago? "tatangapin nalang ba ang malupit na tadhana? o kayay tatanggapin nalang ba na sawi at di pinagpala"-- oo KANTA yan at tulad ng kanta na yan, sinasalamin niya ang nararamadaman ko.

potah,
madaling magbigay ng salita sa iba na KAYA mo yan pero sa totoo lang sa loob ko, napakahirap nun lalo na kung gusto mo talagang mag give up nalng at hayaan nalang ang IBANG TAO ang mag manipulate at magmaneho ng buhay ko.

sa totoo lang naiiyak na ako kung bakit patuloy kong pinagkakaiit sa sarili ko yung PAG ASA.
simula MAY 3 beses na akong nagresign.(prudential, aboitiz, mcu ) lingid sa kaalaman LALO ng ng mga KAIBIGAN ko. hindi ko sinsabi kasi alam kong isa lang ang madidinig ko: "BAKIT?".

at hanggang ngayon 3 na rin ang trabahong tinanggihan ko.
"bakit?" napakalaking tanong. kung BAKIT kasi yan nalang ang laging tinatanong, hindi ba pwedeng mauna muna yung tanong na "ANO... ano ang balak mo?"

madalas kong sinasabi ang problema ko sa mga BOY-frends ko kasi alam ko, (fixated na yata ako sa sasabihin ng mga babaeng katulad ko-- at ang katagang KAYA MO YAN, ANO KA BA? )sinasabi lang nila yun kasi wla sila sa lugar ko. at least kahit papano pag boy, mura ang inaabot ko. KATOTOHAN. kaya pasintabi sa iba kung sa iba niyo pa nalalaman ang problema ko.

nagalit may YUNG iba diya sa akin sa pagiging selfish ko. i think time naman na maging madamot ako sa oras, sa pramdam.

gusto ko muling maexcite.

********
naiinis ako sa daddy ko, sa mommy ko, sa mga kapatid ko...
kung bakit napakabait nila sa akin kasi hindi man lang nila tinatanong kung ano nararamadaman ko.

kung bakit mataas ang expectation sa akin samantalang hindi naman ako panaganay, na sa sobrang taas, wla akong napapala. na naaawa ako sa sarili ko kasi wla akong magawa, na inuunahan ako ng takot dahil ayaw kong PUMALYA. na feeling ko sa kahit anong lakas ng sigaw ko hindi ako madidinig.

napatuloy akong naghahanap at kung may nahanap, i turned it down because of that fear i feel.

i was about to leave last sept 23 for china.
hindi nila alam yun. hindi ko pinaalam.
placement nalang ang kulang, GO na dapat ako.
sept 14 na deadline, hindi ko pa rin sinasabi, hanggang sa naBLACKLIST na ako sa agency na yun.

hanggang ngayon, hindi ko alam yung gagawin ko. hindi ko alam kung may mangyayari sa akin o kung may mangyayari pa sa buhay ko.

pinili ko ngang hindi sabihin kahit sinong kaibigan ko, kasi ang balak ko mag teleport nalang ng wlang nakakaalam. para magugulat nalang yung iba.

ang masasabi ko lang "do not trust this hope, it has forsaken this land".

i dont need your WHY's i just need the word IM HERE.

napapagod na ako..




sabi nga ni jaz...
the mind is tired.
the heart is tired.
the spirit is wandering.
the soul is restlessly stirring.