Thursday, November 30, 2006

Spelling FREEDOM

FREEDOM kapag di ako tumingin sa orasan dahil hindi ako nag aalala sa oras

FREEDOM kapag kahit traffic di ako tensyonadong makauwi sa tamang oras

FREEDOM kapag nakakarating ako sa gusto kong puntahan kahit mag isa

FREEDOM kapag ang alam ng lahat nasa dubai ako pero papunta pala akong ABU DHABI

FREEDOM kapag kahit walang perang pamasahe, may mabait na kapwa pinoy na iHIHITCH ako sa sasakyan nila ng libre

FREEDOM kapag nakasama ko buong araw yung super friend kong matagal na hindi nakita

FREEDOM kapag matagal na akong nasa bus station pero nakatitig lang sa mga bus na umaalis, nag iisip kung anong dapat sakyan pauwi o uuwi pa ba ako.

FREEDOM kapag magaan ang loob ko dahil wala ako sa bahay at feeling ko ngayon lang ako NAKAHINGA ng maayos sa buong buhay ko.

FREEDOM kapag kahit ilang oras lang naging selfish ako at wala akong pakialam sa iba.

FREEDOM kapag low batt fone ko at hindi ko inaalala kung mat tatawag sakin para icheck ako kung nasan na ako or kung nahuli ba ako ng CID dahil wala akong dalang kopya ng passport at visa ko.

FREEDOM kapag uuwi ako ng kahit anong oras ko gustuhin kahit pa napadpad ako kung san

FREEDOM kahit san at wala rin akong paki kung nawawala na pala ako o tama ba direksyon ko.

Saturday, November 25, 2006

wag kasing ma-pride!

nung isang linggo, pinasama ako ni daddy sa mga member ng CHRISTIAN LIFE PROGRAM- CFC members papuntang FUJEIRAH. mga pinoy families na nag ccamping weekly para sa community nila. para daw marami akong makilala at makarating ako sa border.

yung isang "brother" dun. si bro. caesar nakipag kwentuhan sakin. masarap siyang kausap at masarap pakinggan yung mga kwentong pamilya nila. kung paano sila bumuo ng pamilya dito sa UAE. matagal na daw sila rito simula 80's pa. wala pang matataas na building dito eh nandito na sila. isa rin sila sa mag asawa na mga pioneer ng Couples for Christ dito sa emirates.

marami na silang natulungang mga pinoy makahanap ng trabaho. marami na rin silang pinoy na tinulungan magbalik loob sa taas.

at hanggang ngayon, lumipas na ang ilang araw, iniisip ko pa rin yung mga sinabi niya, pati yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. weird ba talaga at feeling ko ngayon lang ako nakaramdam ng existence?

inaamin ko, nawalan na ako ng ganang magdasal. kasi ilang beses akong nagdadasal sa isang araw. hindi ko alam kung nadidinig ba niya? o naririndi na siya sa mga dasal ko. hanggang sa nagsawa na ako kasi parang kahit anong klaseng paraan ang gawin ko palang pagdadasal, wala rin nangyayari. at paulit ulit lang ang problema ko. at tuwing taimtim akong nagdadasal may mas MALALANG problema ang dumdating. lahat ng paraan ginagawa ko at ginawa ko na pero parang wala pa rin siyang nadidinig. ang masakit dun, hindi ako nakalimot.

tapos sabi niya sa akin:
"...hindi ka na kasi nagdadasal, hindi ka na humihingi sa kanya. itry mong katukin siya ulit at pagbibigyan ka niya. WAG kang magmataas kasi tao lang tayo. sabihin mo sa kanya pag lalabas ka ng flat niyo, panubayan ka niya at ipaubaya mo lahat ng mangyayari sayo sa araw na yun sa kanya, wag ikaw ang magkontrol sa buhay mo.."

ako naman sa sarili ko parang ang corny ata at tinatanong ko sa sarili nung mga oras na yun kung anong pinagsasasabi ng taong yun at di ko naman sila kilala at bakit nandun ako sa oras na yun na dapat tulog na ako sa mainit na kama namin at hindi ako nanginginig sa lamig sa pagtulog sa tent.

tapos kinabukasan lumakad ako ulit sa dubai. habang nasa biyahe ako sinubukan ko ulit magdasal, hinamon ko siya. ang sama ko pero habang nakatingin ako sa langit sabi ko sa sarili ko, patunayan niyang nadiding niya ako. sa totoo lang kulang ang pera kong papunta ng dubai. kung iisipin ko talagang hindi ako makakauwi. tapos di ko pa alam yung saktong location ng pupuntahan kong interview. pero pagbaba ko sa bus station, may nakilala akong pinay, papunta rin sa pupuntahan ko. isinabay niya ako sa kotse niya, binigyan niya rin ako ng referral sa office niya. tapos pumasa ako dun sa interview na pinuntahan ko. (actually magstart na ako sa sunday). tapos paglabas ko sa building na yun, di ko alam kung pano pag punta sa BUR DUBAI kung san kami magkikita ng super friend kong si claren. nagtanong ulit ako dun sa mag bf na mga pinoy sa daan. luckily, may sasakyan rin sila at inihatid nila ako dun sa mall. tapos binigyan rin nila ako ng referrals. ang magaling pa dun, yun pinsan nung girl batchmate ko sa epiyu. pagdating ko dun, nilibre ako ng lunch ni CLENG at sa JOLLIBEE pa. nagwindow shopping kami at hinatid niya rin ako sa bus station. libre niya lahat. may pasalubong pa ako sa daddy ko nun.

bago ako matulog nung gabing yun, nagdasal ako, sinabi ko sa kanya kong sinusubukan lang ba niya ako at pinaeexcite. pero hindi pa rin niya ako tinigilan sa signs niya. kinabukasan may tumawag sakin. yung asawa ni BRO. Caesar. kinukuha akong reliever sa december kasi magbabakasyon daw sila sa pinas.

hindi ko alam kung hanggang kelan to. hindi ko alam kung totoo ba to. pero sabi nga ni bro. C. wag akong mapride, siguro sapat na yung malaman kong meron palang nakikinig sa likod ng mga ulap na tinitingnan ko.

Tuesday, November 07, 2006

Today having a difficulty to compose my thoughts. Sabog ulit tulad kahapon. Back on my daily routine. And yeah, multi-tasking mode na naman. I'm blogging, chatting, downloading, burning cd’s. Arranging invoices, packaging, answering phone calls, sending faxes and music tripping without my boss. Its 1:30pm lunch time at siesta time nya. So ill be like this until 5pm. Good luck.

I have very bad hands now. Puro hiwa ng cutter at may seismic activity pa. tae kasi ung boss ko pinaulit ulit ulit ulit yung pag package kahapon. Kaya ako nahiwa kasi while as I was packing I always found myself thinking about the surprising e-mail I received before I logged off the other night. From someone I haven't seen for 4 years. Can you imagine, 4 long years! To think I've been e-mailing him for 3 years without consent. Hay, it was good hearing from him. Kilig ito.

******************

AWAYAN boss at employee.

dito pag di ka marunong sumagot, talo ka. lalo ka nlang tatapakan. dahil nga sa hindi naman ako sanay sa ganun, so natututo na akong makipag epalan sa mga lintik na itik na yan... i mean indiano. (yan kasi ang tawag ng mga pinoy sa kanila).

galit number 1:
nung isang araw nag dictate siya sakin ng quotation para sa bagong client. eh ang tema ng last sentence, about sa CHEAP and AFFORDABLE price na offer ng company. so what do you expect sa spelling ng CHEAP? eh di C-H-E-A-P as in diba. hindi eh. kala ko kasi okey na, so i sent it right away. tapos after i sent it. kinuha niya sakin yung papel at walang ka abog abog na sinabing "you stupid? dont hear what i say?, i say chip? C-H-I-P?" whaaaaaaaaaattt? sir? you said CHEAP right? affordable right? sabi ko naman.

ang itik, galit na galit. medyo lumayo nga ako eh, ang baho ng nga niya dahil di siya naliligo, ang baho pa ng bibig niya. sus. ayun, hysterical ang mabahong itik. parang nabasa ng tubig.

galit number 2:
kahapon kahit di ko trabahong magbuhat pinagbubuhat niya ako lagi, okey lang sana eh, pero hindi naman sana kasing bigat ko na yung bubuhatin. errrr. bahala siya. sobrang asar niya sakin tinatagalog ko na yung mga reklamo ko. at naku sobrang asar niya mukha na siyang kinalderetang itik sa galit sakin.

galit number 3:
dahil ulit sa lintik na ispeling.
ewan ko ba kung ako bay talagang bingi na o mahina lang talaga ako sa pagrecognize ng diction, lalo na niyang mga itik na yan. pinagawa niya ako ulit ng quotation. sabi niya i-address daw sa pigi-yut. so ang akala kong ispeling PIGIYOT. tapos ayun nagalit ulit siya, inulit ult ko naman yung pronounciation. tapos nung tinanong ko kung anong spelling sabi na naman nya. "you're not thinking? you do not know? why u keep on repeating? and me repaeting also?". (oh yeah anong klaseng english 'to!) tapos sinabi ko nalang. "HOW WILL I KNOW HUH? YOUR TONGUE IS VERY TWISTED? HOW COME WILL I KNOW? I DONT UNDERSTAND WHAT YOUR SAYING?". tapos di na siya sumagot. nung na-print ko na, mahinahon niyang sinabi yung spelling. ang gusto niya palang sabhin. PEUGEOT. yung sikat na brand pala ng sasakyan. asar talaga.

galit number 4:
kala ko kasi na-over come ko na yung kabahuan nila. hindi pa pala. iba pa rin talaga yung naaamoy mo sila saopen space at sa close room. ang baho talaga kaya minsan di ko mapigilang maduwal at magtakip ng ilong. ayun. sinita niya ako. what wrong daw? wala naman akong masabi kasi ayaw ko rin namang ma-offend sila pag sinabi ko. alam kong nasa TRADITION daw nila yun at kahit alam kong senseless yun hindi nila paliligo at pagpapalit ng damt. sinarili ko nalang. akala ko nga dati, arabo ang mabaho, hindi pala. (fyi, mas marami ang population ng itik dito kesa sa lokal/ arab nationals. bukod sa chinese, iniinvade na rin ng itik ang buong mundo!)

hay, di ko maintindihan kung bakit sila ang number 1 pagdating sa CALL CENTER business. pangalawa lang ang pinas. considering mas maaayos mag english ang pinoy. ang problema lang satin kasi eh mali mali ang pag gamit ng past present participle. pero hindi naman tayo grabe sa diction. naiintinidhan pa rin naman tayo.

etong boss ko na to di ko malaman kunganong galit meron siya sa mga pinoy at msydao niyang minamaliit tayo. feeling niya ipis ata ang pinoy sa paningin niya eh. mabuti pa daga maayos ang tingin niya eh. btw, may alaga siya sa office ng daga. as in RAT. itim na daga! malaking daga! josme. utak elepante talaga.

I'm not making sense again noh?

Saturday, November 04, 2006

Honestly, I still don't understand this "silent war" I'm having with my ate. Her tantrums really pissed off everyone in the family. Konting backtrack… few nights ago she accused me of meddling with her stuff (her cellphone, particularly) and telling me im super maarte when it comes on looking for work . and me, angry at her for meddling the way I run my life, we've been with each other's throats. We gradually get tired of it and up until now, we're still giving each other a cold shoulder.

I won't give details on this. I'm sick of replaying and being reminded of all of these each time...but I tire of this. I don't care anymore. But still, she's my sister. My dad’s having a hard time putting us together but neither of us wants to give way. Its pointless. Its senseless. Pero paulit ulit lang kasi.

Call me stupid but I won't go down and apologize for something I did not do! But what am I to do? Should I swallow the pride of being younger kasi mas nakakatanda pa rin sha? Or am I to wait? Eh what if I always do the same thing.

Frankly, I'm sick of it. I might as well wait for a long time. Each time she says something derogatory about me, I want to shout at her- I want to slap her just to let her realize that she doesn't see the real picture. What the hell does she know?!

I don't want to point out that she's overly insensitive (even that's the truth).

I'm not proud of this admission, okay? At least, there's an improvement that we're now talking civilly. Thanks to everyone in the house.

As for my parents, same old story. I haven't told them what I had planned to do. Probably, I'll just tell them when I have already felt sure. But they're already pressuring me. I can't blame them- it's already November.

But I think that I'm slowly regaining my ability to dream again. Something that I have lost this past few days I became cynical.

And I already learned my lesson that I won't listen to those who will deter me- whatever they are, whoever they might be. I have to prove them that I deserve this chance to build myself again.

Maybe someday, I'll still find realization to my dreams.

Thursday, November 02, 2006

My arms and my feet aches more than I could imagine. If you could only see, my veins are now more visible than usual. I can manage the physical pain, and I know konting kantinko tangal na to. but I don’t think may pain reliever para naman sa sakit ng loob?

You see im full of hatred right now and all the fucked up things are coming out on my head. This is too much.. laging ganito, paulit ulit

Parang scrabble na yung utak ko. Scrabble na may sound effect pa dahil sa mga bibig na paulit ulit na sermon. Umuulit na naman yng kinakatakutan kong baka in the end kailangan na na naman akong mag give way sa sarili ko para sa iba. Yun kailangan mamili. Kung sarili ba o yung iba.. been there already, ilang beses na nga kaya ganito nalang ako. I don’t know if chances actually have a diabolic mind or a twisted sense of humor.

Err..
Just venting my blues. Somehow, I wish that could elevate my depression, angst and irritation.

Wednesday, November 01, 2006

"progress begins with the belief that what is necessary is possible"- norman cousin

actually hindi ko alam kung pano ko uumpisahang isigaw yung nararamdaman ko. pareho lang naman ng feeling ko nung nasa pinas ako. o mas grabe pa ba?

mahirap magtrabaho dito. all-around na nga, may disrcrimination pa. mas lalong mahirap i-swallow lahat ng pride na natitira sakin, na alam kong tanging kayamanan ko. pero kailangan ng gawin para sa mga taong priority sa buhay ko. lahat kaya ko naman gawin eh, devastated lang siguro ako this past few days at lahat naiisip ko ng gawin. my life is somewhat near the chaos, konti nalang at nasa finish line na ako.

nakukulong na naman sa dibdib ko yung mga angst ko. kaya mas nangingibabaw yung feeling na nag iisa ako lagi. bakit nga ba ganun? pag sobrang dilim na ng paligid wala akong madinig at maramdaman? i know there are a lot of people who are more than willing to lend their strength for me. sorry ha. baka di kita napapansin. i just always have difficulty expressing my feelings.