Monday, October 09, 2006

yesterday, i went to Deira, Dubai City alone for my interview on a Real State Company. Ibang iba talaga yung lugar na yun compared dito sa Ajman. Deira is the center of industries. andun yung stock market, famous hotels, tallest skyscrapers, biggest malls. basically its the business district ng UAE. 3rd time ko na pumunta dun pero first time kong mag isa pumunta. maganda ang weather kahapon kaya hindi ako nahirapan, hindi kasi mainit tulad dati. i walked around the area bago ng interview ko. tumambay mag isa at nameet ko si Maria- indian. shes waiting for her brother kaya nagkwentuhan muna kamin and we exchanged email addresses. tulungan daw niya ako to find a job. CLOSENESS number 1.



after ng interview ko. nagpunta na ako sa bus station. as much as i would like to eat, hindi pwede kumain kahit tubig or candy ngayon ramadan. at close lahat ng food establishments. bukas ang mall pero hindi talga pwede kumain sa labas in respect sa mga kapatid nating Muslim na nag fafasting (during daytime) sa mga panahong ito.



matagal rin dumating yung bus. 30 mins ako naghintay. tapos pag hapon pala walang biyaheng diretsong AJMAN. hanggang SHARJAH lang so yun lang ang choice ko. ang daming naghihintay pero laging priority ang babae dito. LADIES FIRST, kaya yung sinakyan kong bus ALL GIRLS TRIP. s aunahan ako umupo. astig. tabi kami ni manong driver. CLOSENESS number 2.



from Deira to Sharjah, cost 5dhms. malayo na rin yun at horrible ang traffic. nakakaantok ang gutom at uhaw. pero pinigilan kong matulog. inenjoy ko nalng yung mga nakikita ko at ang amoy ng mga katabi ko..



yung isang katabi ko. si SALMA-ethopian, tinanong ko lang kung saan ang sakayan pag baba ko ng bus papuntang ajman. tapos nagkuwentuhan na kami. tga ajman rin pala siya, at sa tapat lang din ng building namin yung tinitihan niya. kaya sabay na kami sumakay ng sharing taxi. CLOSENESS number 3..



sharing taxi-- 3 dhms. from sharjah to ajman.



pag hindi sharing aabot ng 10dhms, pag ako lang mag isa, kaya malaki natipid ko!.



**********************************************************************

the other night, i was moved by some stroeis over the radio about those pinoys na dumadating dito as visit visa. karamihan kasi, naabuso ng mga locals or ng iabng lahi. ang nakakagulat pa dun, kahit kapwa pinoy, mahirap pagkatiwalaan.



yung iba, hindi susuwelduhan tulad ng super friend kong si cleng. ilang beses sa kanyang ngyari yun. buti ngayon, nakahanap na siya ng employer na bibiygan na siya ng employment visa. yung iba naman, kahit galing pinas, naloloko rin ng agency pagdating dito. kaya hindi nakakapagtaka kung bakit may ibang pinoy dito na makikita mong nanghihingi ng pera sa daan. as in walang wala sila. nakakaawa. they need to do that to survive o para makaipon at ma renew visa nila. o kaya yung iba, kapit sa patalim at makipag relasyon s aibang lahi, mag commit ng adultery at maki-apid sa pinoy/pinay na maypamilya sa pinas? hmmm uso dito yun. para matugunan yung needs sa pera at sa laman?



*******************************************************************

nakakalungkot lang isipin mas lalong naapektuhan yung pananaw ko dati sa pag-ibig sa ngayon. para kasing hindi mo rin madedefine kung pag-ibig nga yung namamagitan between couples. kung hanggang saan ba aabutin yung relasyon nila. kung pagdating bsa sa pinas sila p rin? lalo na kung may pamilya ang isa? o kung ibang lahi ang ka relasyon mo, tlagang totoo ba yung feelings nila sayo at hindi sex object lang ang tingin nila sayo at hindi pera lang ang alam nilang habol mo sa kanila. hindi ko masisis ang ibang lahi. kung ang tingin nila sa pinay ay BILI-MO-AKO-GIRLS. kasi may iba talaga diyan na may ganung disorder.



parang ngayon mas lalo akong naging kuripot ipakilala sarili ko. kung sa pinas naging madamot ako. mas lalo ngayon. nadagdagan ang percentage.



hindi ko man sinasabing nagpunta ako rito para sa lovelife. pero kung iisipin ko, mas lalong lumabo ang pathway ko pagdating sa buhay pag-ibig. mas malabo pa sa sandstorm. PAKSHET

1 comment:

jas said...

hey bianx. thanks sa text nung bumagyo. :)

glad to know na marami kang nakikilalang friendly na tao dyan. take care of yourself always. :)