Wednesday, October 25, 2006

katoliko ako. pero non-practitioner. hindi kasi ako palasimba lalo na tuwing linggo. kung magsisimba man ako, kadalasan pag may kasama, hindi ako tinatamad o inaantok, sinisipag ako maglakad (dahil malapit lang yung simbahan sa amin), pag wala ako sa mood mamintas, mabait ako at feeling ko kelangan ko ng mag-confess. o di kaya either sa ST. JOSEPH tondo or mag novena sa ST. Jude MalacaƱan tuwing thursday.

lumaki kami at nag aral sa catholic school. pero after highschool, pero after highschool nagkaroon na ako ng sariling paniniwala sa pananampalataya ko sa pinaniniwalaan ko. Bihira man ako, pumasok ng simbahan tuwing linggo. alam ko naiiwasan ko rin yung mga posibleng kasalanan ko pa pag nasa loob na ako ng simbahan. dun kasi sa pinas, dun sa tondo. hindi mapirmi yung attention ko sa buong mass. may attetion deficit pa naman ako. laging lumilipad yung utak ko pag may nakikita o nadidinig akong hindi rin nakikinig sa pari. nakakapintas tuloy ako ng di oras. dun kasi sa tondo, ang ingays sa loob ng simbahan, distracted ako sa mga batang nagtatakbuhan sa loob ng simbahan, sabayan pa ng mga bibig ng mga magulang na pilit pinipigilan yung mga anak nila sa kakatakbo, o sa bibig ng mga baby na tigas naman sa kakaiyak. samahan pa ng mga mbile fones na naka loud pa ata. mas malakas pa sa sound system ng simbahan. nakakapintas pa yung mga mata ka sama suot ng mga kabataang madalas namang nakikipag date sa kanilang mga uyab.

haayy, nakakalungkot lang isipin na kaunti nalang nga yung percentage ng mga nagsisimba, umaabsent pa din ako. pero kasi nasa loob na nga ako ng simbahan, nagakakasala pa rin ako. hindi man ako active sa attendance, hindi naman rin ako nakakalimot magdasal ano man gap sa orasan. kahit pa minsang hindi ko alam kung nadidinig nga yung mga dasal ko. pinipilit ko pa rin sinisigaw sa utak ko yung pasasalamat at hinaing ko. ngayon, namimiss ko na rin ang simbahan. may catholic church rin daw dito, pero malayo. tuwing friday na rin ang simba dito, isinasabay sa day- off. tinanong kasi ako ni khala kung may simbahan rin ba daw dito, at kung pwede daw magsimba ako at wag makalimot magdasal.

nung isang linggo pala, habang nasa mall kami ni ate. may lumapit saming mga KABAYAN. kala ko mga natural lang na batian ng mga pinoy dito yun. yun pala rerecruit kami sa fellowship chuva. libre naman daw lahat pati transpo, susunduin daw kami tas may chibog pa. pero sorry talaga sa mga nakakabasa ah. hindi kasi ako medyo okey sa mga ganung sharing sharing thingy eh. yung winawagay way pa yung mga kamay. sorry Ah, pero di ko kasi maalis na hindi mapangiti na, magagawa ko yung mga ganun sa buhay ko. ewan ko ba, tumatak kasi sakin yung sa BUBBLE GANG na ANG DATING DOON. tapos brother sister pa yun tawagan. mahihiya lalo ako pag may pray over session na.

okey namn din yung group dynamics paminsan minsan. wag lang ssobrahan at macocornihan na ako. tas ayun nga. pilit kaming nirerecruit. pero sana hindi naman sila na offend kasi pilite naman yung pag decline namin ni ate.

nadala na rin kasi ako sa mga ganyan kasi baka tulad ng iba yan na in the end, nanghihingi pa ng pera. wala pa naman ako nun. hehehe

******* sana nga minsan ma-try ko makapag simba ako sa totoong simbahan dito. sabi kasi nila, latin type daw ang mass dun. traditional. bawal pa nga rin daw dun ang mga babaeng hindi naka modest dress. so minus pintas na ako. at mas magugustuhan kong magdasalsa loob ng simbahang katoliko kesa sa simbahang gumawa ng sariling sekta (pero katoliko rin daw sila ah).

No comments: