sa pagdating ko dito sa DUBAI. marami akong dapat matutunang tanggapin.
una: siguro habaan ko ang pasensya ko. nasa ibang lugar ako kaya dapat akong magpakatino. bukod sa daddy at ate ko, kasama rin namin dito sa flat na mga BAGONG TAO SA PANINGIN KO. mabait naman siya/sila. she welcomed me politely at mukhang kasundo naman siya ni ate, considering si ate pa? i never asked anyone, i just knew it. na eto na. inassume ko palang bago na ako magpunta dito na pwedeng ikagulat ko lahat ng malalaman ko dito. pero siguro, dahil matanda na rin kami para makipag away pa. natutunan ko na rin ang sarili kong itikom ang bbig ko. pinaghandaan nila ang pagdating ko, na tipong palapad papel sa akin? hahaha. i heard her say sa ate ko, "bothered ka bang dumating na ang paboritong anak ng daddy mo?" i know she didnt mean to offend my ate, pero i felt it. gusto kong sabihin right at that moment na "ikaw, bothered?" although, kahit naman noon hindi insecure si ate sa akin. oh well, ako naman ang paboritong kapatid ng mga kapatid ko. hehehe. nafifeel ko naman na aware sila sa position nila sa amin. at kontrabida mang pakinggan. KAMI PA RIN ANG TUNAY NA PAMILYA. gets? ayaw ko ring magpakita ng hindi maganda kasi ayokong lumabas na hindi kami PINALAKI NG MABUTI ni MAMA at mga bastos kami. ayokong maging masama tingin nila sa mama ko.
so ayun nga. so far they're treating me well. at siguro ganun rin sila kay ate. never try to screw us. masama akong magalit. and dad knows that. hindi pa rin alam 'to ni mama at ni khla. i know its unfair not to tell them but i just wish they would understand. marami nagbago kay daddy. feeling ko nga STRANGEr na ako sa kanya. im living with some people i barely know. pero kilala nila ako, kami. binibida daw kasi kami ni daddy.
pero kahit maganda pinapakita ko sa kanila. that doesnt mean na im replacing my moms position. IM JUST BEING PLASTIC. hahaha. sometimes i just need to be.
2: napakainit dito. literal. HAZY ang paligid ng dumating ako. sandstorm daw yun. pag nag sand storm daw. expect mo na kinabukasan na aabot ng 55degrees ang temp. kahit mataas ang araw malabo ang paningin ko. parang may pulbos ang hangin. ganun. tapos tagos tagusan ang init. supok ang balat mo tiyak pag nagpaaraw ka.
3: kailagan kong matutong maligo ng MAINIT NA TUBIG. no choice.
4: wag magcovert lagi. wag mo laging iisipin na mahal eto sa pilipinas. kung hindi wala kang mabibili. madedeppress kalang pag nalaman mong mahal pala talaga. (1 dirham is equals to 15 pesos.)
******************
"theres the science of clouds. theres the romance of clouds and theres the art of clouds. to think that nature could pack all this into atmosphere candyfloss. whats more some clouds even offer rain"
pero what if kung ayaw ng tao dito ng ulan? mostly arabs/ indians doesnt like rain. parang curse daw yun or something. (oohh, that according sa mga taong nainterview ko huh... ) pag dating ko kasi tinanong ko agad kung umuulan dito. sabi nila, bihira daw. summer pa naman ngayon dito pero talagang bihira rin sila mag cloud seeding kahit pa naipon na ang lahat ng cumulus cloud. in all fairness. maganda ang formation ng ulap dito. gustong gusto ko siyang tinititigan. lagi akong lumalabas sa terrace ng flat namin. kahit sobrang init. at para kang nasa steambath. bukod sa mga ulap. binabantayan ko rin yung mosque sa tapat ng building na 'to. i wonder kung ano hitsura ng loob ng sambahan nila. tapos pagkatpos ng iba sumamba may nagffootball rin at cricket na mga indians sa parking lot ng mosque. pinapanood ko rin yun.
kala ko nakakadepress ang sobrang dilim pag bumabagyo sa pinas. ngayon baliktad, nakakadepress pag dehydrated ka na. =D
No comments:
Post a Comment