Saturday, July 29, 2006

eto pala isa sa mga favorite kong letter na natanggap bago ako umalis ng pinas. a letter from my super friend trisha. lagi ko na tong babasahin, nakakatuwa lang sa feeling.


Hi Prinsesa!

Darn, I am gonna miss you like hell!! Yan ang unang sasabihin ko sayo. Things wouldn’t be the same without you around. Malayo ang Dubai. Di basta Tondo yan. Jan nga di kita mapuntahan, Dubai pa kaya?! Nakngpating.

Lamo, I wasn’t really expecting a great bond with you since si dhay talaga ang kabuddy mo. Dahil kay Julius tau nun nagkaron ng madalas na communication di ba? At kahit na praning praning un at crush mo at soulmate mo pa pala, malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Naging karamay kita sa lahat. Kasama kita kahit na wala ang presensha mo. Ang galing kase kahit ganun, nararamdaman mo rin ung pains and sufferings na pinagdadaanan ko. Naiintindihan mo ako. Di lang ako ang nakakaintindi sating dalawa. Kahit ikaw na panay ang forward at makitext sa kapatid mo, mabulabog lang ako, naappreciate ko un. Sobra. Kase effort un. Omalabs sa ibang kaibgan. Wala na tayong dapat pang patunayan sa isat isa kse subok na tau. Wala sa lugar, layo o dalang ng pagkikita ang pagkikita naten. Di nasusukat un dun. Bow ako sa haba rin ng pasensha mo saken.

Nung mga panahong naghihingalo ang puso ko at malapit ng bumitaw, pinatatag mo ako sa mga salitang binitawan mo. Hindi ko nga pala kailangang maging marupok kase may mga taong anjan pa para sakin. Nagmamahal. Umiintindi. Umuunawa. Sumasabay sa ikot ng semi-crazy semi jinxed kong world. Salamat dahil napasok mo ito at nanatili kahit na mahirap tumulay sa mga pagsubok na ito kasama ako.
Maraming bagay na di parin natin mabigyan ng kahulugan at dahilan magpahangang ngayon. Malalaman rin natin paglaon ng panahon pero sana un pa rin ang mga bagay na gusto pa rin natin mangyari. Di katulad ngayon kung kelang nasasaktan at nangangapa tau sa dilim, wala parin ang mga sagot na gustong gusto na natin marinig. Kabanas. Hamu na, pasasaan bat kung kelang pabitiw at palayo na tayo sa mga sakit at pagsubok na to, at masayang hinaharap ang bagong buhay, dun darating ung mga di inaasahan. Ung din na natin ito kailangan dahil napagtanto na natin na may mga bagay pala na di kailangan talaga ng mga kahulugan at dahilan. Dahil kusa na tau maghihilom at makakaunawa ng mga bagay na akala natin di natin alam. Isa na don ang boypren hehehehe di ko pa masagot yan ng matino. Pagbalik mo na lang. Thesis ito at kailangan ng masusing pag-aaral.

Shempre, nagmamaganda lang ako nito. Pero tsong, etong kaibigan mong to, kahit na isat kalahating ungas at bakya, mahal ka nito. Aminin mong nagtagal tau ng text at telepono lang ang ugnayan. Maryosep. Relashon ito.

Magiingat ka dun ha. Alam ko naman na masumikap kang tao kaya makikita mo rin ang pagkatao mo na nasayo lang naman right from the start. You never have to look very far. Di ba nga sabe, the things significant to us are oversee by our heart and mind. Malapit at anjan lang pala, malabo pa rin ang kita natin. Misan di na kailangan pang lumayo para lang makita o matagpuan ang akala nating wala satin o di natin maintindihan. Pero kung ito lang ang makakapagpasatisfy sayo, asa likod mo lang ako. Gusto ko madali ka lang dun para naman may alien na ulit dito. Pero ayoko maging selfish kase may misyon kang dapat na tapusin. Gusto ko makabalik ka dito, matagal man o hinde, successful mong naabot ang mga pangarap mo. Sayang naman kung walang mangyayari sau don. Korni. Just keep in mind why you are there in the first place. Why you decided to leave home and search the home you thought you never have. Why you have to seek the things left unsaid and done. I am positive you are gonna be one lucky ass in your journey to the life you thought never existed in you. I’ll back you up. Basta make sure may boys na kasama hehehe

Jesus, di na ako nagseryoso. Basta, make sure that when you come back, you are the new bambi with a touch of the classic paula. Kase ganun naman, nagbabago and yet may naiiwan pa ring lumang bagay. Kaya dapat umayos ka. Putol daliri mo sa paa pag nagkataon. Keps ka.

(habang sinusulat ko to ngayon, dito ko sa mini garden kung san ang bangungot ng buhay ko eh asa labas lang. Masakit. Pero kelangan tiisin kung gusto kong mabuhay ng maayos at mapayapa. Taena. Di ko na ulit iiyakan itong taong ito. Pagalis mo, papadala ko na ang sakit at hirap na pinagdadaanan ko. Pasensha pero kelangan na talagang maalis ito dito sa pilipinas. Lalo na sa buhay ko. Nakakprevent ng emotional growth ko. Nasasaling lagi ng pagmamhalan nilang dalawa. Bukas, luluhod ang mga tala at makikita nila, may date na ko sa susunod. Taena.)

Once you are in Dubai na text ka agad ha. YM or pm sa friendster ayus din. Malabong magkalimutan ang tulad nating mga pinanganak na royal blood. We are not born sisters by blood but we are sisters by choice. Kaya masaya  nobela ito. Di ko mashado pinaghandaan ang pagsusulat ko. Madami pang kwento. Eto na lang muna para malibang ka naman.

Remember, kahit na wala kang mapala dun, knock on wood, I’d still be grateful you took the journey. Wala kang maririnig sakin na I told you so. Balik ka lang pag di mo na kaya. Tama na rin ung sumubok ka. Next time na lang ulit. Pahinga muna. Size 5 ako at extra small. Wag mo kalimutan. Pati book and makeup. Maarte ako eh.

Siyet, ending na. Sob. Always pray. Yan na lang ang sandatang kahit na matagal ang reply eh panghabangbuhay naman na kaligayahan. Ingat ka lagi and don’t forget us friends you will always have. Pilipinas man yan o mars.

I’ll see you soon.

Spinster by choice, goddamit,

Trisha Leigh Belmes

No comments: