Monday, July 24, 2006

mukha lang hindi ako takot.
oo excited ako, sobra, pero sobra rin akong natatakot...
sa maraming bagay.

VENGEANCE. yan siguro ang tamang word kung bakit in-exile ako sa dubai. hindi ako tumatagal sa trabaho sa pinas, puro banda nalang ang intaupag ko, tambay at mukhang napansin nilang na-enjoy ko masyado ang pagiging tambay.

after 2 yrs and 3 months, magkikita kami ulit ni daddy. umiwui saiya nung graduation ko. umalis siya ng ganito ang stado ko sa buhay. at magkikita kami ulit ng wala man lang nagbago sa akin, ganun pa rin, underachiever. nandun na ako sa sabik akong makita siya pero nauunahan ako ng HIYA. ang daddy ko kasi MAN OF FEW WORDS. hindi halata pag galit or masaya siya kasi piling salita lang ang kaya niyang sabihin. mas nakakatakot yung ganun. silent water runs deep ika nga db?

ang daddy at ang ate ko, tinatanong sa akin noon kahit nag aaral pa ako kung kelan ako magkaka bf. iba yung kulit nila eh, nakakapraning. nilang 3 nila mader actually. kahit di sinasabi sa akin ni mama alam kong nagtatanong na yun kung sino yung pinapupunta ko sa bahay namin. nakkapressure din minsan. para bang lahat ng tao sa paligid ko, pinipilit ako kahit sinsabi kong hindi. ang kaso, wqalang gustong maINLOVE at SUMERYOSO sa akin kahit kelan. i have so much to give pero walang willing tumanggap. amf. ano ang gusto nilang gawin ko?

pero hindi yun ang priority ko ngayon kaya, kalimutan ko muna yan..

sana mapawi lahat ng takot ko pagdating ko dun...

No comments: