ano't ano pa man, panay man ang reklamo ko sa buhay ko, masaya ako kung kasama ko ang mga kaibigan kong ito:
(pictures from fete dela musique 2006 last june 30 @ mall of asia)
sayang lang, walang picture si anne...
simpleng kwentuhan at chismisan kahit sandali lang yun. pero masarap madinig yung mga kwento nila, minsan kahit alam ko na, okey lang yun, mas ok kung nadidinig ko talaga from them.
the ff. week may second round kami ni jas. she gave her letter at isang artistically made bag charm (actually nakasabit na siya sa hand-carry ko!). isang oras na kwentuhan sa loob nang FEu. (take note pumasok lang kami sa aming alma mater para magkwentuhan, maupo at magpaka nostalgic ng konti) marami rin siyang naikwento sa akin. siympre hindi biro ang mahigit 3 taon ata naming hindi pagkikita. JAS SALAMAT SA ORAS, NAG-ENJOY TALAGA AKO
that same day also, minit ko rin si magna cum angela y beleno, my tutor during college.. hehehe, si kate at con din. sa sm north. friends na kami nung college pa pero nitong nag graduate lang kami naging lalong naging close. at thru text pa. salamat sa unlimited texting =D. si anj, ganun pa rin, tawa lang ng tawa . kahit walang day-off sa work at kailangan naka-sked ahead of time lahat ng lakad niya, nakatwa pa rin. kahit halatang kailangan na niya ng stresstabs. pero infairness. tumaba siya dahil nahiyang sa mga paperworkd at mga meeting niya. si kate- hindi na believer, maka kamikazee na siya. hahaha. naimpluwensiyahan naman niya si con manuod ng mga gigs ng banda. at na love at first siyght sya kay yael yuson. late bloomer kasi eh, as in. ngayon lang niya na-feel na may band mania sa pinas.. in short nabiktima na siya ng SIGE-KINIG-AT-SULYAP sa mga banda. yung tipong napunta lang dahil gustong magpapicture sa mga rakstars. hahaha. napagdaanan ko na ata yun kaya minsan natatawa nalng din ako sa kalukohan nilang 2.
kaya gusto ko namang sumabit sa mga kalokohan nila kaya kasama ko sila manuod ng mga gigs lately. makaalis lang at makapagliwaliw. go ako with them.
kaya nagpunta kami ng UP freshmen night. on our way there, nakita namin si APRIL. hahaha kasama ko sa NBSB and i want to have na GROUP.... haggard pa rin ang drama. maganda naman ito eh, di lang marunong mag ayos at magsukaly. libre pamasahe namin. salamat sa kanya.
ayon, UPFM. i had a blast. parang freshmen rin ako, nagfifeeling. kahit late kaming dumating at tumutogtog na ang RM, pagdating namin sa backstage. actually wala kaming ticket. magagate crash talaga kami at gagamit ng "kakilala system". salamat sa driver ng maya, si kuya allan at sa roadie nila na si ate flor. may artist pass kaming 2 ni kate. pero kulang pa ng isa, buti nalang at dumating yung roadie daw yun ng CALLA LILY.(unaware, na banda rin pala yun, kala ko soap lang yung sa abs cbn..) tapos nung nakita ko ng yung banda, isang malaking NYEHHH. tiga FEU yan di ba? oo daw, yung vox na si KEANE at yung gitarista na si TATSI. i saw them before sa school, kalat kalat lang, tapos ngayon... hahaha..
anyway, ayan nga nakapasok na kami, nakita namin si mark at si mike muna. nakipag apir sa akin at tinanong kung kelan alis ko, sabi ko baka next week. actually wala rin ako sa sariling kausap sila, kasi isa lang ang focus ko, MAKITA ko si jappy. swerte pa naman ang pasok namin sa backstage, lahat ng gusto kong makitang rakstar andun pero hindi yun priority ko. si japs japs japs! asan ka na? finally ayun, may autograph session pa with the organizers. sige, hintay pa ako ng sandali, kahit di ko sila nakitang tumutog okey pa rin basta makausap ko lang siya. farewell talk ang drama ko. alas! ayun humarap na siya. ako naman nakahawak sa 2 kong chaperon. parang mahihimatay na naman ako. "oy, punta ka capones,? medyo nagmamadali na kami eh, sino kasama mo?" (hmp!, hindi pa ako nagsasalita, hello?) ang nasabi ko nalng "ah sige, try namin sumunod" tsktsktsk. nanginginig pa ang boses ko nun. tumalikod na siya, naiwan ako, mga isang hakbang palang bumalik siya ulit. "kelan alis mo?" sabi niya. wahahha muntikan akong maiyak? natandaan mo jappy?!! shet. sabi ko "next week, last gig ko na 'to di ko pa naabutan.." (paawa effect) "may capones pa sa 13 punta ka dun, cge alis na kami, paalam!". TAE heaven na yun talaga.
cge gudbye na kung gudbye na sa buong team. mahaba pa ang gabi. marami pa akong gustong makita. si kurt ng SOAPDISH ulit, chikahan ng konti. tapos nakita ko na si bogs. hay, 3/4 ng gabi ko pwede na. makita ko lang siya, masaya na rin ako. tapos pics with doc at mat kasama pang comment na "ayos yan tshirt mo ah, kilala ko may gawa!?" hahaha. gwafu ka kuya! patawa ka rin, syempre rivermaya shirt ito, kaya ikaw ang gumawa!
after ng set ng pupil, nacorner ko ulit si doc, reklamo sa cd, di na umaandar. "sumuko na sunday surreal ko pala kuya doc" ayu, super explain, ang gulo ng paligid, ang nainitindihan ko lang eh mahirap daw sila para ireplace yung cd ko, ha? cge na nga, papalampasin ko to doc. ok na ako, pwede na ako umiw, nakiota ko na yung gusto kong makita eh..
dahil hindi pa pwede umuwi yung 2, hinhintay pa nila ang kamikazee at spongecola. sige wait lang may, mojofly pa rin pala at moonstar88, updharmadown, dicta, Udub, 6cm, PS, sandwich, imago, calla lily, pedicab (at aaminin kong mapasayaw talaga ako kay diego!)
3:00am na ako nakauwi pero 6:00am na ako nakapasko ng bahay. all the while nasa labsa lang ako ng pinto. buti bukas ang gate namin, pro yung pinto kasi sarado, kaya hinitay ko nalang magising si mama. hassle kung mambubulabog pa ako.
**************************************
monday:
i went to trisha's house in vista verde ev cainta. lunch time yun. then around 3 pm, nagpaaalam na rin ako agad kasi imimeet ko naman si ivy m. sa sta. lucia. as usual pag siya kasama ko, MCDO ang tamabayan namin. til 5pm yun. tapos, next stop ko after sa sm san lazaro with my hs best friend DIANA.
tuesday:
together with my sister KAHLA. i met jonald and kiko sa gateway, dinner lang at timezone ang naging quality time namin.
thursday:
i went out with my super friend AYN and her BF DAN ang aking foodtrip buddies. sila yung mga guilty pleasure ko. hayy. mamimiss ko yang 2 na yan.
after nila go naman ako with con and amboy, odette and her boss.
Sobrang naging pamilyar sa FEELIng ko ang lahat ng nangyrai sa akin this past few weeks. para kaming balik college. ang kaibahan lang. mahigit, one-hundred pounds ang mga nadagdag sa amin COLLECTIVELY.
hmmm.
gusto ko lang i-stretched yung kwentong UP. actually sobrang napilit lang ako nung 2 pumunta, kasi wala talaga akong pera. as in. 30 pesos lang ang nasa bulsa ko. paglabas pa lang namin kinse na. paano pa ang pagpunta ng UP? ang mainam dun, all expensed paid trip ang nangyari, kasama chibog. basta ang kailangan ko lang daw gawin eh, gamitin ang POWERS kong makapasok kaming 3. ayos!
actually, buong araw ko pinag isipan nung friday na yun kung anong ginagawa ko sa bahay nung araw na yun samantalang bilang na mga oras ko. but then, naiisip ko palang ang crowd dun sa lugar na yun, parang gusto ko na kaagad magkulong ulit nalang sa bahay at manood ng GHOST WHISPERER. akala ko kasi walang RM dun at there was no one to see there, no one to impress (as if!) feeling ko rin nahawa na ako kay jas sa feeling niyang tumatanda. at yung mga makikita ko dun, sos! mga taong mas bata sa akin. freshmen night eh. at kung meron mang kasing edad ko, damang dama ko na IBANG IBA ako sa kanila. pero pamilyar sila sa akin. ako kasi sila dati, mas bata; sing edad ko, ako silang lahat noon.
pero sige na erase lahat ng fears kasi kung may magandang nangyrai man (bukod kay jappy at bogs!) nung gabing yun eh, nabigyan ng purpose ang mga damit kong isang tambak na sa closet ko.
sana laging ganun.
1 comment:
ahahahaha pinost mo pa talaga ang pichur naten :P ang chaka ko. hehehehe.
salamat natuwa ka sa "artistically made" bag charm. may it bring you luck and happiness always.
and yes, i really enjoyed chatting with you. sayang nga lang pagkalipas ng tatlong taon dun nalang natin nagawa ulit yun. at ang malungkot pa aalis ka na. :(
di bale, im sure isang araw magkikita ulit tayo. at alam ko marami ka ng baong kwento pagdating nun.
kaya aantayin kita.
mag ingat ka dyan parati!
happy winds kaibigan.
Post a Comment