Sunday, July 30, 2006

sa pagdating ko dito sa DUBAI. marami akong dapat matutunang tanggapin.

una: siguro habaan ko ang pasensya ko. nasa ibang lugar ako kaya dapat akong magpakatino. bukod sa daddy at ate ko, kasama rin namin dito sa flat na mga BAGONG TAO SA PANINGIN KO. mabait naman siya/sila. she welcomed me politely at mukhang kasundo naman siya ni ate, considering si ate pa? i never asked anyone, i just knew it. na eto na. inassume ko palang bago na ako magpunta dito na pwedeng ikagulat ko lahat ng malalaman ko dito. pero siguro, dahil matanda na rin kami para makipag away pa. natutunan ko na rin ang sarili kong itikom ang bbig ko. pinaghandaan nila ang pagdating ko, na tipong palapad papel sa akin? hahaha. i heard her say sa ate ko, "bothered ka bang dumating na ang paboritong anak ng daddy mo?" i know she didnt mean to offend my ate, pero i felt it. gusto kong sabihin right at that moment na "ikaw, bothered?" although, kahit naman noon hindi insecure si ate sa akin. oh well, ako naman ang paboritong kapatid ng mga kapatid ko. hehehe. nafifeel ko naman na aware sila sa position nila sa amin. at kontrabida mang pakinggan. KAMI PA RIN ANG TUNAY NA PAMILYA. gets? ayaw ko ring magpakita ng hindi maganda kasi ayokong lumabas na hindi kami PINALAKI NG MABUTI ni MAMA at mga bastos kami. ayokong maging masama tingin nila sa mama ko.

so ayun nga. so far they're treating me well. at siguro ganun rin sila kay ate. never try to screw us. masama akong magalit. and dad knows that. hindi pa rin alam 'to ni mama at ni khla. i know its unfair not to tell them but i just wish they would understand. marami nagbago kay daddy. feeling ko nga STRANGEr na ako sa kanya. im living with some people i barely know. pero kilala nila ako, kami. binibida daw kasi kami ni daddy.

pero kahit maganda pinapakita ko sa kanila. that doesnt mean na im replacing my moms position. IM JUST BEING PLASTIC. hahaha. sometimes i just need to be.

2: napakainit dito. literal. HAZY ang paligid ng dumating ako. sandstorm daw yun. pag nag sand storm daw. expect mo na kinabukasan na aabot ng 55degrees ang temp. kahit mataas ang araw malabo ang paningin ko. parang may pulbos ang hangin. ganun. tapos tagos tagusan ang init. supok ang balat mo tiyak pag nagpaaraw ka.

3: kailagan kong matutong maligo ng MAINIT NA TUBIG. no choice.

4: wag magcovert lagi. wag mo laging iisipin na mahal eto sa pilipinas. kung hindi wala kang mabibili. madedeppress kalang pag nalaman mong mahal pala talaga. (1 dirham is equals to 15 pesos.)

******************

"theres the science of clouds. theres the romance of clouds and theres the art of clouds. to think that nature could pack all this into atmosphere candyfloss. whats more some clouds even offer rain"

pero what if kung ayaw ng tao dito ng ulan? mostly arabs/ indians doesnt like rain. parang curse daw yun or something. (oohh, that according sa mga taong nainterview ko huh... ) pag dating ko kasi tinanong ko agad kung umuulan dito. sabi nila, bihira daw. summer pa naman ngayon dito pero talagang bihira rin sila mag cloud seeding kahit pa naipon na ang lahat ng cumulus cloud. in all fairness. maganda ang formation ng ulap dito. gustong gusto ko siyang tinititigan. lagi akong lumalabas sa terrace ng flat namin. kahit sobrang init. at para kang nasa steambath. bukod sa mga ulap. binabantayan ko rin yung mosque sa tapat ng building na 'to. i wonder kung ano hitsura ng loob ng sambahan nila. tapos pagkatpos ng iba sumamba may nagffootball rin at cricket na mga indians sa parking lot ng mosque. pinapanood ko rin yun.

kala ko nakakadepress ang sobrang dilim pag bumabagyo sa pinas. ngayon baliktad, nakakadepress pag dehydrated ka na. =D

Saturday, July 29, 2006

eto pala isa sa mga favorite kong letter na natanggap bago ako umalis ng pinas. a letter from my super friend trisha. lagi ko na tong babasahin, nakakatuwa lang sa feeling.


Hi Prinsesa!

Darn, I am gonna miss you like hell!! Yan ang unang sasabihin ko sayo. Things wouldn’t be the same without you around. Malayo ang Dubai. Di basta Tondo yan. Jan nga di kita mapuntahan, Dubai pa kaya?! Nakngpating.

Lamo, I wasn’t really expecting a great bond with you since si dhay talaga ang kabuddy mo. Dahil kay Julius tau nun nagkaron ng madalas na communication di ba? At kahit na praning praning un at crush mo at soulmate mo pa pala, malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Naging karamay kita sa lahat. Kasama kita kahit na wala ang presensha mo. Ang galing kase kahit ganun, nararamdaman mo rin ung pains and sufferings na pinagdadaanan ko. Naiintindihan mo ako. Di lang ako ang nakakaintindi sating dalawa. Kahit ikaw na panay ang forward at makitext sa kapatid mo, mabulabog lang ako, naappreciate ko un. Sobra. Kase effort un. Omalabs sa ibang kaibgan. Wala na tayong dapat pang patunayan sa isat isa kse subok na tau. Wala sa lugar, layo o dalang ng pagkikita ang pagkikita naten. Di nasusukat un dun. Bow ako sa haba rin ng pasensha mo saken.

Nung mga panahong naghihingalo ang puso ko at malapit ng bumitaw, pinatatag mo ako sa mga salitang binitawan mo. Hindi ko nga pala kailangang maging marupok kase may mga taong anjan pa para sakin. Nagmamahal. Umiintindi. Umuunawa. Sumasabay sa ikot ng semi-crazy semi jinxed kong world. Salamat dahil napasok mo ito at nanatili kahit na mahirap tumulay sa mga pagsubok na ito kasama ako.
Maraming bagay na di parin natin mabigyan ng kahulugan at dahilan magpahangang ngayon. Malalaman rin natin paglaon ng panahon pero sana un pa rin ang mga bagay na gusto pa rin natin mangyari. Di katulad ngayon kung kelang nasasaktan at nangangapa tau sa dilim, wala parin ang mga sagot na gustong gusto na natin marinig. Kabanas. Hamu na, pasasaan bat kung kelang pabitiw at palayo na tayo sa mga sakit at pagsubok na to, at masayang hinaharap ang bagong buhay, dun darating ung mga di inaasahan. Ung din na natin ito kailangan dahil napagtanto na natin na may mga bagay pala na di kailangan talaga ng mga kahulugan at dahilan. Dahil kusa na tau maghihilom at makakaunawa ng mga bagay na akala natin di natin alam. Isa na don ang boypren hehehehe di ko pa masagot yan ng matino. Pagbalik mo na lang. Thesis ito at kailangan ng masusing pag-aaral.

Shempre, nagmamaganda lang ako nito. Pero tsong, etong kaibigan mong to, kahit na isat kalahating ungas at bakya, mahal ka nito. Aminin mong nagtagal tau ng text at telepono lang ang ugnayan. Maryosep. Relashon ito.

Magiingat ka dun ha. Alam ko naman na masumikap kang tao kaya makikita mo rin ang pagkatao mo na nasayo lang naman right from the start. You never have to look very far. Di ba nga sabe, the things significant to us are oversee by our heart and mind. Malapit at anjan lang pala, malabo pa rin ang kita natin. Misan di na kailangan pang lumayo para lang makita o matagpuan ang akala nating wala satin o di natin maintindihan. Pero kung ito lang ang makakapagpasatisfy sayo, asa likod mo lang ako. Gusto ko madali ka lang dun para naman may alien na ulit dito. Pero ayoko maging selfish kase may misyon kang dapat na tapusin. Gusto ko makabalik ka dito, matagal man o hinde, successful mong naabot ang mga pangarap mo. Sayang naman kung walang mangyayari sau don. Korni. Just keep in mind why you are there in the first place. Why you decided to leave home and search the home you thought you never have. Why you have to seek the things left unsaid and done. I am positive you are gonna be one lucky ass in your journey to the life you thought never existed in you. I’ll back you up. Basta make sure may boys na kasama hehehe

Jesus, di na ako nagseryoso. Basta, make sure that when you come back, you are the new bambi with a touch of the classic paula. Kase ganun naman, nagbabago and yet may naiiwan pa ring lumang bagay. Kaya dapat umayos ka. Putol daliri mo sa paa pag nagkataon. Keps ka.

(habang sinusulat ko to ngayon, dito ko sa mini garden kung san ang bangungot ng buhay ko eh asa labas lang. Masakit. Pero kelangan tiisin kung gusto kong mabuhay ng maayos at mapayapa. Taena. Di ko na ulit iiyakan itong taong ito. Pagalis mo, papadala ko na ang sakit at hirap na pinagdadaanan ko. Pasensha pero kelangan na talagang maalis ito dito sa pilipinas. Lalo na sa buhay ko. Nakakprevent ng emotional growth ko. Nasasaling lagi ng pagmamhalan nilang dalawa. Bukas, luluhod ang mga tala at makikita nila, may date na ko sa susunod. Taena.)

Once you are in Dubai na text ka agad ha. YM or pm sa friendster ayus din. Malabong magkalimutan ang tulad nating mga pinanganak na royal blood. We are not born sisters by blood but we are sisters by choice. Kaya masaya  nobela ito. Di ko mashado pinaghandaan ang pagsusulat ko. Madami pang kwento. Eto na lang muna para malibang ka naman.

Remember, kahit na wala kang mapala dun, knock on wood, I’d still be grateful you took the journey. Wala kang maririnig sakin na I told you so. Balik ka lang pag di mo na kaya. Tama na rin ung sumubok ka. Next time na lang ulit. Pahinga muna. Size 5 ako at extra small. Wag mo kalimutan. Pati book and makeup. Maarte ako eh.

Siyet, ending na. Sob. Always pray. Yan na lang ang sandatang kahit na matagal ang reply eh panghabangbuhay naman na kaligayahan. Ingat ka lagi and don’t forget us friends you will always have. Pilipinas man yan o mars.

I’ll see you soon.

Spinster by choice, goddamit,

Trisha Leigh Belmes

Monday, July 24, 2006

mukha lang hindi ako takot.
oo excited ako, sobra, pero sobra rin akong natatakot...
sa maraming bagay.

VENGEANCE. yan siguro ang tamang word kung bakit in-exile ako sa dubai. hindi ako tumatagal sa trabaho sa pinas, puro banda nalang ang intaupag ko, tambay at mukhang napansin nilang na-enjoy ko masyado ang pagiging tambay.

after 2 yrs and 3 months, magkikita kami ulit ni daddy. umiwui saiya nung graduation ko. umalis siya ng ganito ang stado ko sa buhay. at magkikita kami ulit ng wala man lang nagbago sa akin, ganun pa rin, underachiever. nandun na ako sa sabik akong makita siya pero nauunahan ako ng HIYA. ang daddy ko kasi MAN OF FEW WORDS. hindi halata pag galit or masaya siya kasi piling salita lang ang kaya niyang sabihin. mas nakakatakot yung ganun. silent water runs deep ika nga db?

ang daddy at ang ate ko, tinatanong sa akin noon kahit nag aaral pa ako kung kelan ako magkaka bf. iba yung kulit nila eh, nakakapraning. nilang 3 nila mader actually. kahit di sinasabi sa akin ni mama alam kong nagtatanong na yun kung sino yung pinapupunta ko sa bahay namin. nakkapressure din minsan. para bang lahat ng tao sa paligid ko, pinipilit ako kahit sinsabi kong hindi. ang kaso, wqalang gustong maINLOVE at SUMERYOSO sa akin kahit kelan. i have so much to give pero walang willing tumanggap. amf. ano ang gusto nilang gawin ko?

pero hindi yun ang priority ko ngayon kaya, kalimutan ko muna yan..

sana mapawi lahat ng takot ko pagdating ko dun...

Friday, July 21, 2006

naiinis ako kasi kung sino pa ang hinuhugutan ko ng lakas, sila pa ang lalong nagpapahina sa akin.

naiinis ako kasi bakit kayo pa ang naging magulang ko.

naiinis ako kasi kahit anong pilit kong bumangon, bumabagsak pa rin ako.

naiinis ako kasi gaano man kahaba ang pasensya ko nauubos rin sa inyo.

naiinis ako kasi lahat ng pag asa ko nasa summit na sana eh, tapos biglang babagsak, dahil mismo sa inyo.

naiinis ako kasi marami akong pangarap, pero bakit ayaw niyo ak0ng pagbigyan.

naiinis ako kasi gustong gusto kong magalit sa inyo, pero hindi k0 magawa kasi magulang ko pa rin kayo.

naiinis ako kasi wala akong masisi.

naiinis ako kasi wala akong control sa mga nangyayari.

naiinis ako kasi kung sino pa ang mga matanda, mas makitid pa ang utak sa akin.

naiinis ako sa DIYOS.

naiinis ako kasi bakit buhay pa ako.

naiinis ako naiinis ako naiinis ako naiinis ako!!!!!!!!!!!!!!!!!

Thursday, July 20, 2006

matagtagal na rin akong hindi naka-gimmick kasama ang mga barkada ko nung college. edyo nalagas-lagas kasi yung oras pati yung communication namin sa isat isa. pero nitong huling 3linggo hindi ko man sila sbay sabay nakasama, isa isa na silang sumusulpot at nagpaparamdam kahit pa yung isa dun eh and huling usap pa namin eh nung kuhanan pa ng toga. kung hindi pa ata nagtext brigade etong si gela na aalis na daw ako eh di nila ako maaalala. actually ayokong gawing big deal yung pag alis ko, para konti lang ang madis-appoint sa akin if ever im not gonna make it. kahit papano ang saya at pag nagkita kami ulit in the future, maganda yung pag-uusapan naming huling memory namin together. kesa naman sabihin nila "ayan si paula, di man lang nagpakita sa amin bago umalis!" ang fanget naman nun di ba...

ano't ano pa man, panay man ang reklamo ko sa buhay ko, masaya ako kung kasama ko ang mga kaibigan kong ito:
(pictures from fete dela musique 2006 last june 30 @ mall of asia)


with allalaine...


with jas!


sayang lang, walang picture si anne...

simpleng kwentuhan at chismisan kahit sandali lang yun. pero masarap madinig yung mga kwento nila, minsan kahit alam ko na, okey lang yun, mas ok kung nadidinig ko talaga from them.

the ff. week may second round kami ni jas. she gave her letter at isang artistically made bag charm (actually nakasabit na siya sa hand-carry ko!). isang oras na kwentuhan sa loob nang FEu. (take note pumasok lang kami sa aming alma mater para magkwentuhan, maupo at magpaka nostalgic ng konti) marami rin siyang naikwento sa akin. siympre hindi biro ang mahigit 3 taon ata naming hindi pagkikita. JAS SALAMAT SA ORAS, NAG-ENJOY TALAGA AKO

that same day also, minit ko rin si magna cum angela y beleno, my tutor during college.. hehehe, si kate at con din. sa sm north. friends na kami nung college pa pero nitong nag graduate lang kami naging lalong naging close. at thru text pa. salamat sa unlimited texting =D. si anj, ganun pa rin, tawa lang ng tawa . kahit walang day-off sa work at kailangan naka-sked ahead of time lahat ng lakad niya, nakatwa pa rin. kahit halatang kailangan na niya ng stresstabs. pero infairness. tumaba siya dahil nahiyang sa mga paperworkd at mga meeting niya. si kate- hindi na believer, maka kamikazee na siya. hahaha. naimpluwensiyahan naman niya si con manuod ng mga gigs ng banda. at na love at first siyght sya kay yael yuson. late bloomer kasi eh, as in. ngayon lang niya na-feel na may band mania sa pinas.. in short nabiktima na siya ng SIGE-KINIG-AT-SULYAP sa mga banda. yung tipong napunta lang dahil gustong magpapicture sa mga rakstars. hahaha. napagdaanan ko na ata yun kaya minsan natatawa nalng din ako sa kalukohan nilang 2.

kaya gusto ko namang sumabit sa mga kalokohan nila kaya kasama ko sila manuod ng mga gigs lately. makaalis lang at makapagliwaliw. go ako with them.

kaya nagpunta kami ng UP freshmen night. on our way there, nakita namin si APRIL. hahaha kasama ko sa NBSB and i want to have na GROUP.... haggard pa rin ang drama. maganda naman ito eh, di lang marunong mag ayos at magsukaly. libre pamasahe namin. salamat sa kanya.

ayon, UPFM. i had a blast. parang freshmen rin ako, nagfifeeling. kahit late kaming dumating at tumutogtog na ang RM, pagdating namin sa backstage. actually wala kaming ticket. magagate crash talaga kami at gagamit ng "kakilala system". salamat sa driver ng maya, si kuya allan at sa roadie nila na si ate flor. may artist pass kaming 2 ni kate. pero kulang pa ng isa, buti nalang at dumating yung roadie daw yun ng CALLA LILY.(unaware, na banda rin pala yun, kala ko soap lang yung sa abs cbn..) tapos nung nakita ko ng yung banda, isang malaking NYEHHH. tiga FEU yan di ba? oo daw, yung vox na si KEANE at yung gitarista na si TATSI. i saw them before sa school, kalat kalat lang, tapos ngayon... hahaha..

anyway, ayan nga nakapasok na kami, nakita namin si mark at si mike muna. nakipag apir sa akin at tinanong kung kelan alis ko, sabi ko baka next week. actually wala rin ako sa sariling kausap sila, kasi isa lang ang focus ko, MAKITA ko si jappy. swerte pa naman ang pasok namin sa backstage, lahat ng gusto kong makitang rakstar andun pero hindi yun priority ko. si japs japs japs! asan ka na? finally ayun, may autograph session pa with the organizers. sige, hintay pa ako ng sandali, kahit di ko sila nakitang tumutog okey pa rin basta makausap ko lang siya. farewell talk ang drama ko. alas! ayun humarap na siya. ako naman nakahawak sa 2 kong chaperon. parang mahihimatay na naman ako. "oy, punta ka capones,? medyo nagmamadali na kami eh, sino kasama mo?" (hmp!, hindi pa ako nagsasalita, hello?) ang nasabi ko nalng "ah sige, try namin sumunod" tsktsktsk. nanginginig pa ang boses ko nun. tumalikod na siya, naiwan ako, mga isang hakbang palang bumalik siya ulit. "kelan alis mo?" sabi niya. wahahha muntikan akong maiyak? natandaan mo jappy?!! shet. sabi ko "next week, last gig ko na 'to di ko pa naabutan.." (paawa effect) "may capones pa sa 13 punta ka dun, cge alis na kami, paalam!". TAE heaven na yun talaga.

cge gudbye na kung gudbye na sa buong team. mahaba pa ang gabi. marami pa akong gustong makita. si kurt ng SOAPDISH ulit, chikahan ng konti. tapos nakita ko na si bogs. hay, 3/4 ng gabi ko pwede na. makita ko lang siya, masaya na rin ako. tapos pics with doc at mat kasama pang comment na "ayos yan tshirt mo ah, kilala ko may gawa!?" hahaha. gwafu ka kuya! patawa ka rin, syempre rivermaya shirt ito, kaya ikaw ang gumawa!

after ng set ng pupil, nacorner ko ulit si doc, reklamo sa cd, di na umaandar. "sumuko na sunday surreal ko pala kuya doc" ayu, super explain, ang gulo ng paligid, ang nainitindihan ko lang eh mahirap daw sila para ireplace yung cd ko, ha? cge na nga, papalampasin ko to doc. ok na ako, pwede na ako umiw, nakiota ko na yung gusto kong makita eh..



dahil hindi pa pwede umuwi yung 2, hinhintay pa nila ang kamikazee at spongecola. sige wait lang may, mojofly pa rin pala at moonstar88, updharmadown, dicta, Udub, 6cm, PS, sandwich, imago, calla lily, pedicab (at aaminin kong mapasayaw talaga ako kay diego!)

3:00am na ako nakauwi pero 6:00am na ako nakapasko ng bahay. all the while nasa labsa lang ako ng pinto. buti bukas ang gate namin, pro yung pinto kasi sarado, kaya hinitay ko nalang magising si mama. hassle kung mambubulabog pa ako.

**************************************
monday:
i went to trisha's house in vista verde ev cainta. lunch time yun. then around 3 pm, nagpaaalam na rin ako agad kasi imimeet ko naman si ivy m. sa sta. lucia. as usual pag siya kasama ko, MCDO ang tamabayan namin. til 5pm yun. tapos, next stop ko after sa sm san lazaro with my hs best friend DIANA.

tuesday:
together with my sister KAHLA. i met jonald and kiko sa gateway, dinner lang at timezone ang naging quality time namin.

thursday:
i went out with my super friend AYN and her BF DAN ang aking foodtrip buddies. sila yung mga guilty pleasure ko. hayy. mamimiss ko yang 2 na yan.

after nila go naman ako with con and amboy, odette and her boss.

Sobrang naging pamilyar sa FEELIng ko ang lahat ng nangyrai sa akin this past few weeks. para kaming balik college. ang kaibahan lang. mahigit, one-hundred pounds ang mga nadagdag sa amin COLLECTIVELY.

hmmm.
gusto ko lang i-stretched yung kwentong UP. actually sobrang napilit lang ako nung 2 pumunta, kasi wala talaga akong pera. as in. 30 pesos lang ang nasa bulsa ko. paglabas pa lang namin kinse na. paano pa ang pagpunta ng UP? ang mainam dun, all expensed paid trip ang nangyari, kasama chibog. basta ang kailangan ko lang daw gawin eh, gamitin ang POWERS kong makapasok kaming 3. ayos!

actually, buong araw ko pinag isipan nung friday na yun kung anong ginagawa ko sa bahay nung araw na yun samantalang bilang na mga oras ko. but then, naiisip ko palang ang crowd dun sa lugar na yun, parang gusto ko na kaagad magkulong ulit nalang sa bahay at manood ng GHOST WHISPERER. akala ko kasi walang RM dun at there was no one to see there, no one to impress (as if!) feeling ko rin nahawa na ako kay jas sa feeling niyang tumatanda. at yung mga makikita ko dun, sos! mga taong mas bata sa akin. freshmen night eh. at kung meron mang kasing edad ko, damang dama ko na IBANG IBA ako sa kanila. pero pamilyar sila sa akin. ako kasi sila dati, mas bata; sing edad ko, ako silang lahat noon.

pero sige na erase lahat ng fears kasi kung may magandang nangyrai man (bukod kay jappy at bogs!) nung gabing yun eh, nabigyan ng purpose ang mga damit kong isang tambak na sa closet ko.


sana laging ganun.

Thursday, July 13, 2006

"all my bags are packed im ready to go, standing here out side your door, i hate to wake you up to say goodbye"- leaving on a jetplane; chantal kreviazuk

tomorrow could not come quickly enough, sitting and waiting is very hard to bear. naiinip na ako. my flight has been cancelled again. it was supposed to be july 6 but im still here. hindi ako umabot sa birthday ni ate last july 10.

anyway, yung mga kaibigan ko naman text pa rin ng text at nakikipagkita sa akin. buti nalang mabait si mama ngayon at she doesnt asked me last friday kung bakit ako inumaga ng uwi.


hayy,yan ang mamimiss ko kaya sige lang =D