Thursday, December 14, 2006

went out with my super friends CLENG and HOLIDAY last night. punta kami ST. MARY's Catholic Church, attend ng mass para sa death anniversary ng papa ni cleng. medyo late na natapos around 9:00pm kaya we had to hurry up our long over-dued kwentuhan. from the church mga 500meters away yung bus stop eh since winter at sobrang lamig ng hangin, kinarir namin ang paglalakad sa sidewalk na para kaming nasa korea tele-novela na pinagigitnaan ng mga puno ang daan. ang lamig pero ang init ng mga mukha namin kakatawa. si cleng nag momodel modelan si dyann naman kunyari nag iinarte. at ako tiga masid sa paligid dahil lahat ng dumadaang sasakyan bumubusina sa amin. nadistract ata sa mga ginagawa naming kalokohan. tapos ilang meters lang yung isang batch ng mga police na nagbabantay sa bahay ng shiekh. tawa kami ng tawa kasi kahit umaambon na at mamatay na kami sa lamig pero sige pa rin ang picturan naming tatlo. ako si aleng photographer, konsintidor. kahit ang dilim dilim sa lugar na yun at hindi nakayanan ng flash ng cam shot pa rin ng shot.

at dahil kay HOLIDAY DYANN TEODORO ang digicam, asa pa kami ni cleng na sisipagin mag upload o mag send sa email yun.tamad pa rin!

it took us 45 minutes para makaabot sa bus stop na yun. pero ung dalawa natigilan sa kakatawa nung nakita na yung oras sa bus. 9:55 na eh 10:30 yung last trip. traffic papunta sa bus station kaya gudlak samin kung umabot kami sa oras. nag alala sila sa sarili nila hindi para sakin. hahaha. "eh di ba ako dapat ako dahil ako ang pinaka malayong bahay?"

pag dating namin dun 1020 na ata basta kumain muna kami ng shawarmang walang lasa na dahil sa pagmamadali. ang haba ng pila eh, pero okey lang kasi ladies first naman dito. hindi naman ganun karamihan ang nakapilang babae kaya mauuuna pa rin ako. kung nakita niyo siguro kami kung pano kami naghiwahiwalay matatawa kayo kasi ako sa kaliwa papuntang AJMAN, si dyann sa kanan papuntang JUMEIRAH at si cleng sa gitna papuntang BUR DUBAI. hirap na hirap na yung mata namin sa antok pero alam ko masaya kami at nagkita-kita kami ulit.

hay,bukasgisingulitngalas-4puntangofficekainuwiulittulogna.

thursday naman eh. last day of work!!!
yahoo!

1 comment:

Anonymous said...

Thanks for the link!