Wednesday, December 13, 2006



RAKRAKAN SA DUBAI: BAMBOO and PAROKYA NI EDGAR live last December 8, 2006.

Ang layo nung venue nasa industrial area na ng Dubai so medyo liblib na place. Malaki yung venue sobra, 8000 tickets sold out! yung kasama nga ni super friend cleng eh buti nakabili pa ng ticket sa isang pinoy na may sobrang ticket. october palang kasi may ticket selling na for 40 dirhams or 520 pesos. pero kami ni cleng 3 weeks before nung concert nakabili, pero 50 dhms na. sayang yung 10 pero sige na nga, no choice eh.

dumating kami dun sa venue ng 630, hinatid kami nung landlord ni cleng na nag-cacar lift. bale apat kami. ako si cleng, si noel-anak nung LL niya at si anne yung boardmate niya. mahaba na yung pili tapos feeling ko nasa pinas ako kasi halos lahat ng nanuod ka age-range namin ni cleng. kaya lang parang nasa sosyal na school fair kasi yung mga batang yun eh yung mga dito na lumaki at nag aaral so mga CONYOTIC ang mga dating, they're speaking english pa and making pa cute and super porma with their winter attire. so ayun nga, tipong nagpunta lang dun para masabihan na NANUOD SILA NG concert ng HOTTEST BAND ng pinas.

pero meron rin namang ibang parang makikipag rakrakan talaga. outfit kung outfit huh. kami naman ni cleng, parang nasusuka sa mga nakikita at naririnig namin kasi parang yung mga batang yun eh hindi ata alam ang pinuntahan.

tinawagan ko na si ate jovy, nasa unahan na daw sila ng gate, malapit ng makapasok. sabi ko sige try kong magkita kami mamaya sa field. tumawag si carlo, sabi ko nakapili na kami, sila namang ng mga friends niya di pa rin makasakay sa FREE SHUTTLE SERVICE ng TFC. mahaba daw ang pila at nagiintay pa sila. si wan naman tinatawagan ko sarado ang fone.

pila nga. BAWAL ANG PABANGO, PAGKAIN at below 13 yrs old na walang accompany na alalay. hay, buti nalang si noel umabot pa, kaka 14 lang nung isang araw tapos wala pang dalang kopya ng visa.

pagpasok, iniwan ko pa pabango ko, (pero nakuha ko rin after nung gig)tapos yung mga binili namin ni cleng na pagkain, nawala ng isang iglap, di na pwedeng makuha. hindi naman kami pwede lumabas ulit at umalis sa pila. ang haba kaya nun at ang tagal naming nakapila para lang kainin yung mga chicha na yun. sayang talaga. pag naaalala ko. tsktsktsk.

sa bandang right side kami ng stage naka tambay. ang dami ng taong nagsisiksikan. ang init na, lahat tanggalan na ng sweater. (buti nalang walang indiano at patan na umextrang manuod kung hindi patay tayo dyan!) tawag ako ulit kay ate jovy, nasa left side daw sila pinapapunta ako dun dahil andun daw sila bambs, nakikita na daw niya. naku po. ang laki ng field na yun para umikot ako sa kabila. so madaling salita, hindi ako nakapunta dun para makipag kita sa kanya. si carlo dumating na rin pero nasa gitna daw sila. nung medyo nagstart na yung set nila bamboo, nagstart na rin kami ni cleng manulak at sumngit. ayun medyo umabot na kami sa gitna pero hanggang dun nalang talaga, di na kaya ng powers namin. pwede na rin. ewan ko kung asan siya dun sa mga taong nandun. di na niya ako ulit nakontak kasi nawalan ng signal dun sa pwesto namin.

eto set list ng bamboo: (hindi in-order)
much has been said, kung ayaw mo wag mo, elesi, these days, awit ng kabataan, masaya, hallelujah, FU, Mr. clay at syempre ang feel na feel ko ng mga oras na yun, NOYPI.

nung sa parokya naman ang kulit ni chito, puro salita at patawa, ginawang stand up comedy yun set nila. kwento ng kwento tapos pa request naman ng pa request kakantahin daw nila hanggang mamatay kami sa ginaw. every other song nagpapatawa. actually halos naubos oras nila sa kakapatawa. which was good naman pero parang nabitin ako sa mga kinanta nila.

eto set list nila: (hindi in-order)
halaga, narda, yes yes show, mr. suave, para sayo ( ni manny paqcuiao), para sayo, papa cologne, dont touch my birdie (nakakatawa kasi my action pa talaga!) chikinini, this guy is inlove with you.. meron pa silang dalawang song na di na namin natapos kasi lumabas na kami kasi yung sundo namin eh epal at maagang dumating. para daw iwas trapik. tae talaga.

masaya yung set ng PNE, medyo naghihiyawan nung chikini at dont touch may birdie, medyo kumplekado kasi at may action pa si chito na kung ano anong GREEN at baka masita sila at makulong siya ng hindi oras. sabi niya pa nga, "bahala na kung makulong ako, minsan lang naman kami mag punta sa dubai".

hahaha. alam niyo naman dito sa middle east mga conservative daw ang karamihan pero ang iba dun sa karamihan na yun eh mga walang kasing bastos rin tulad ni chito.

some pictures taken from my fuckin' camera, ill post soon... =D

No comments: