Thursday, December 28, 2006

MOST PLAYED SONG OVER MY HEAD and i can truly feel every single words of it. im gonna cry any moment from now again errr...

HOME- michael buble

Another summer day
Is come and gone away
In Paris and Rome
But I wanna go home
Mmmmmmmm

Maybe surrounded by
A million people I
Still feel all alone
I just wanna go home
Oh I miss you, you know

And I’ve been keeping all the letters that I wrote to you
Each one a line or two
“I’m fine baby, how are you?”
Well I would send them but I know that it’s just not enough
My words were cold and flat
And you deserve more than that

Another aerorplane
Another sunny place
I’m lucky I know
But I wanna go home
Mmmm, I’ve got to go home

Let me go home
I’m just too far from where you are
I wanna come home

And I feel just like I’m living someone else’s life
It’s like I just stepped outside
When everything was going right
And I know just why you could not
Come along with me
But this was not your dream
But you always believe in me

Another winter day has come
And gone away
And even Paris and Rome
And I wanna go home
Let me go home

And I’m surrounded by
A million people I
Still feel alone
Oh, let go home
Oh, I miss you, you know

Let me go home
I’ve had my run
Baby, I’m done
I gotta go home
Let me go home
It will all right
I’ll be home tonight
I’m coming back home

HAPPY NEW YEAR TO ALL!

Friday, December 15, 2006

HOY GROUPIE/POSER/ PRETENDER or WHATEVER YOU WANT TO CALL YOURSELF!!!

i dont know you and you DONT KNOW me kaya please stop bugging me?

i dont care kung napanuod mo na lahat ng GIGS NG MGA USO at nag UUSO USOHANG banda ngayon. wala rin akong paki-alam kung MEMBER KA NG LAHAT ng mailing list ng BANDA sa pilipinas.

sorry ka hindi ako katulad mong kailangan pang ipagsigawan sa mundong nakapag papicture ka sa feeling mo papatulan kang ROCKSTAR. IM A FAN not BECAUSE OF FAME or THEIR FACE. FAN ako kahit sa isang bandang tumutug-tog lang sa kanto namin at di kilala. FAN AKO DAHIL SA MUSIC AT HINDI SA KAHIT ANO PA MAN. kung mukha lang ang hinahanap ko eh di sana hahanap nalang ako ng ARTISTANG MARUNONG KUMANTA o TUMUGTOG NG GITARA. F-A-N ako kasi ginagamit ko ang TENGA ko sa pakikinig ng MUSIC. hindi ako umiidolo dahil gwafo ang isang banda at gusto ko lang kulektahin lahat ng poster nila. hindi ako tulad niyo. na nagpupunta sa gig para pumorma at MAG PACUTE at KUMUHA NG CHISMIS.

fan ako mula ng nag umpisa ang ISANG BANDA hindi DAHIL MAY CURRENT SINGLE SILANG PUMAPATOK sa PANDARAYA SA MYX o KAHIT ANONG HIT CHART DYAN.

kahit hindi ako oras oras nagpupunta sa gig, sumusuporta pa rin ako kahit nasa malayo ako o hindi ko sila nakikita. BIBILI PA RIN AKO NG ALBUM KAHIT HINDI AKO MAGPAPICTURE.

baka di mo pa kayang idefine ang GROUPIE ha?

kawawa ka naman.

Thursday, December 14, 2006

went out with my super friends CLENG and HOLIDAY last night. punta kami ST. MARY's Catholic Church, attend ng mass para sa death anniversary ng papa ni cleng. medyo late na natapos around 9:00pm kaya we had to hurry up our long over-dued kwentuhan. from the church mga 500meters away yung bus stop eh since winter at sobrang lamig ng hangin, kinarir namin ang paglalakad sa sidewalk na para kaming nasa korea tele-novela na pinagigitnaan ng mga puno ang daan. ang lamig pero ang init ng mga mukha namin kakatawa. si cleng nag momodel modelan si dyann naman kunyari nag iinarte. at ako tiga masid sa paligid dahil lahat ng dumadaang sasakyan bumubusina sa amin. nadistract ata sa mga ginagawa naming kalokohan. tapos ilang meters lang yung isang batch ng mga police na nagbabantay sa bahay ng shiekh. tawa kami ng tawa kasi kahit umaambon na at mamatay na kami sa lamig pero sige pa rin ang picturan naming tatlo. ako si aleng photographer, konsintidor. kahit ang dilim dilim sa lugar na yun at hindi nakayanan ng flash ng cam shot pa rin ng shot.

at dahil kay HOLIDAY DYANN TEODORO ang digicam, asa pa kami ni cleng na sisipagin mag upload o mag send sa email yun.tamad pa rin!

it took us 45 minutes para makaabot sa bus stop na yun. pero ung dalawa natigilan sa kakatawa nung nakita na yung oras sa bus. 9:55 na eh 10:30 yung last trip. traffic papunta sa bus station kaya gudlak samin kung umabot kami sa oras. nag alala sila sa sarili nila hindi para sakin. hahaha. "eh di ba ako dapat ako dahil ako ang pinaka malayong bahay?"

pag dating namin dun 1020 na ata basta kumain muna kami ng shawarmang walang lasa na dahil sa pagmamadali. ang haba ng pila eh, pero okey lang kasi ladies first naman dito. hindi naman ganun karamihan ang nakapilang babae kaya mauuuna pa rin ako. kung nakita niyo siguro kami kung pano kami naghiwahiwalay matatawa kayo kasi ako sa kaliwa papuntang AJMAN, si dyann sa kanan papuntang JUMEIRAH at si cleng sa gitna papuntang BUR DUBAI. hirap na hirap na yung mata namin sa antok pero alam ko masaya kami at nagkita-kita kami ulit.

hay,bukasgisingulitngalas-4puntangofficekainuwiulittulogna.

thursday naman eh. last day of work!!!
yahoo!

Wednesday, December 13, 2006



RAKRAKAN SA DUBAI: BAMBOO and PAROKYA NI EDGAR live last December 8, 2006.

Ang layo nung venue nasa industrial area na ng Dubai so medyo liblib na place. Malaki yung venue sobra, 8000 tickets sold out! yung kasama nga ni super friend cleng eh buti nakabili pa ng ticket sa isang pinoy na may sobrang ticket. october palang kasi may ticket selling na for 40 dirhams or 520 pesos. pero kami ni cleng 3 weeks before nung concert nakabili, pero 50 dhms na. sayang yung 10 pero sige na nga, no choice eh.

dumating kami dun sa venue ng 630, hinatid kami nung landlord ni cleng na nag-cacar lift. bale apat kami. ako si cleng, si noel-anak nung LL niya at si anne yung boardmate niya. mahaba na yung pili tapos feeling ko nasa pinas ako kasi halos lahat ng nanuod ka age-range namin ni cleng. kaya lang parang nasa sosyal na school fair kasi yung mga batang yun eh yung mga dito na lumaki at nag aaral so mga CONYOTIC ang mga dating, they're speaking english pa and making pa cute and super porma with their winter attire. so ayun nga, tipong nagpunta lang dun para masabihan na NANUOD SILA NG concert ng HOTTEST BAND ng pinas.

pero meron rin namang ibang parang makikipag rakrakan talaga. outfit kung outfit huh. kami naman ni cleng, parang nasusuka sa mga nakikita at naririnig namin kasi parang yung mga batang yun eh hindi ata alam ang pinuntahan.

tinawagan ko na si ate jovy, nasa unahan na daw sila ng gate, malapit ng makapasok. sabi ko sige try kong magkita kami mamaya sa field. tumawag si carlo, sabi ko nakapili na kami, sila namang ng mga friends niya di pa rin makasakay sa FREE SHUTTLE SERVICE ng TFC. mahaba daw ang pila at nagiintay pa sila. si wan naman tinatawagan ko sarado ang fone.

pila nga. BAWAL ANG PABANGO, PAGKAIN at below 13 yrs old na walang accompany na alalay. hay, buti nalang si noel umabot pa, kaka 14 lang nung isang araw tapos wala pang dalang kopya ng visa.

pagpasok, iniwan ko pa pabango ko, (pero nakuha ko rin after nung gig)tapos yung mga binili namin ni cleng na pagkain, nawala ng isang iglap, di na pwedeng makuha. hindi naman kami pwede lumabas ulit at umalis sa pila. ang haba kaya nun at ang tagal naming nakapila para lang kainin yung mga chicha na yun. sayang talaga. pag naaalala ko. tsktsktsk.

sa bandang right side kami ng stage naka tambay. ang dami ng taong nagsisiksikan. ang init na, lahat tanggalan na ng sweater. (buti nalang walang indiano at patan na umextrang manuod kung hindi patay tayo dyan!) tawag ako ulit kay ate jovy, nasa left side daw sila pinapapunta ako dun dahil andun daw sila bambs, nakikita na daw niya. naku po. ang laki ng field na yun para umikot ako sa kabila. so madaling salita, hindi ako nakapunta dun para makipag kita sa kanya. si carlo dumating na rin pero nasa gitna daw sila. nung medyo nagstart na yung set nila bamboo, nagstart na rin kami ni cleng manulak at sumngit. ayun medyo umabot na kami sa gitna pero hanggang dun nalang talaga, di na kaya ng powers namin. pwede na rin. ewan ko kung asan siya dun sa mga taong nandun. di na niya ako ulit nakontak kasi nawalan ng signal dun sa pwesto namin.

eto set list ng bamboo: (hindi in-order)
much has been said, kung ayaw mo wag mo, elesi, these days, awit ng kabataan, masaya, hallelujah, FU, Mr. clay at syempre ang feel na feel ko ng mga oras na yun, NOYPI.

nung sa parokya naman ang kulit ni chito, puro salita at patawa, ginawang stand up comedy yun set nila. kwento ng kwento tapos pa request naman ng pa request kakantahin daw nila hanggang mamatay kami sa ginaw. every other song nagpapatawa. actually halos naubos oras nila sa kakapatawa. which was good naman pero parang nabitin ako sa mga kinanta nila.

eto set list nila: (hindi in-order)
halaga, narda, yes yes show, mr. suave, para sayo ( ni manny paqcuiao), para sayo, papa cologne, dont touch my birdie (nakakatawa kasi my action pa talaga!) chikinini, this guy is inlove with you.. meron pa silang dalawang song na di na namin natapos kasi lumabas na kami kasi yung sundo namin eh epal at maagang dumating. para daw iwas trapik. tae talaga.

masaya yung set ng PNE, medyo naghihiyawan nung chikini at dont touch may birdie, medyo kumplekado kasi at may action pa si chito na kung ano anong GREEN at baka masita sila at makulong siya ng hindi oras. sabi niya pa nga, "bahala na kung makulong ako, minsan lang naman kami mag punta sa dubai".

hahaha. alam niyo naman dito sa middle east mga conservative daw ang karamihan pero ang iba dun sa karamihan na yun eh mga walang kasing bastos rin tulad ni chito.

some pictures taken from my fuckin' camera, ill post soon... =D

Wednesday, December 06, 2006

"LOST LOVE IS STILL LOVE" mitch albom

kahapon pag gising ko ikaw yun naalala ko agad kasi napanaginipan kita at ikaw ang dahilan kung bakit ako nagising ng maaga. sa panaginip ko maayos na naman tayo, parang walang nangyari, parang wala na naman sayo lahat. sabagay, pinilit ko ng kalimutan lahat ng naramdaman ko sayo kaya siguro akala mo okey na ako.

pag biyahe ko sa bus nakita kita ulit, naramdaman kita ulit. ikaw yun, kahit pa alam ko guni-guni ko lang yun. nakita kita sa gilid ng mga mata ko, yung facade mo hindi ako pwedeng magkamali, kasi kilalalang kilala pa rin kita. parang hindi ka nagbago, ang pinagkaiba lang, talagang HINDI totoong nakita kita. hindi totoong sumulpot ka nalang sa harapan ko. hindi pwedeng magkatotoong makikita ng mata ko yun hinabol ko ng tingin sa labas ng bintana ng bus. wala ka talaga dun.

pero...
pagkatapos ng mahabang panahon naramdaman ko ulit yun.
ilang buwan na bang hindi tayo nag uusap o nagkikita man lang.
gusto at handa na ba kitang makita ulit?
ikaw ba talaga yun?
nandito ka rin ba?
iniisip mo rin ba ako? hinahanap mo ba na ba ako?
naalala mo man lang ba ako?

ano na naman ba ito?...

http://img.photobucket.com/albums/v69/lifeisafairytale/635961092l.jpg