Friday, August 04, 2006

been to everywhere this past few days.
basta pinoy dito, kahit kaibigan ng kaibigan magiging friends mo rin. kaya okey lang kung sasama ka sa party ng may party. laging extended ang gatherings. kaya napasama ako sa mga friends ni daddy na may mga friends na mga bagets dito. so may mga bago na akong friends. ayos! last wednesday night nagpunta kami dun sa CORNICHE' sa SHARJAH. sa parang baywalk sa pinas. maganda dun, tabing dagat. ang trick lang dun. di siya totoong dagat. artificial lang un. nakakaloka talaga. di akong makapaniwala. samantalang sa pinas. tinatambakan ang dagat. pero dito, gumawaga ng dagat. simpleng picnic lang at kwentuhan. palipas oras daw nila yun at madalas nilang ginagawa.

tapos kahapon. nagpunta kami sa HAMRIYAH FREE ZONE. sa isang company dun nagtatrabaho si father. ang layo. disyerto dun. ang init. napaisip tuloy ako na all this time dun lagi si daddy. pagpasok namin sa BELLELI ENERGY SPA pinuntahan namin agad si daddy. medyo busy sa field work, at kung makikita niyo lang yung tonetoneladang bakal dun, matatakot ka talaga sa risk na pwedeng mangyari sa mga workers dun. naawa nga ako sa daddy ko kasi dun niya pala kami binuhay. being a supervisor sa ganun company mahirap din. hawak niya yung iba ibang nationality. indian, syrian, moroccan, pakistani (patan), lebanese. mostly mid-eastern. tapos office-field work siya lagi. kaya ang itim itim na niya. *parang nauntog tuloy ang ulo ko*

No comments: