Friday, July 29, 2005

i had such a great time listening to the album of this girl. my cooling effect siya sa akin na hindi ko maintindihan.
i love the way she sound. try niyo rin =D

Image hosted by Photobucket.com
************************************************************************
para naman maup-lift yung outlook nga mga lolang katulad ko ito naman ang must have.
yeahboy!!
Image hosted by Photobucket.com

Monday, July 25, 2005

BITTER OCAMPO

BITTER OCAMPO
im craving for a close human contact for GOD SAKE.. im trying not to be like this but insecurities keeps on hunting me... look parang everybody around already have their cuddling partners, while me? eto, creating my own music without someone to share with. FUCK, ang sakit di ba? i dont want to feel this way, but unfortunately, ang tulad ko ay hindi EXEMPTED.
  • si AYN KRISSY found her JAMES YAP and thats KUYA DAN.
  • MAMA bear NET and PAPA bear YAS are undeniably getting stronger everyday.
  • morCON and AMBOY... five years and still counting...
  • Supervisor ODETTE (?), a ministop owner suitor, a blah, and blah, another blah and the list goes on..
  • DANICS, happily married.
  • EVELYN a former nun-turned-bitch meron na rin.
  • JOY dumating na yung pinagnovena niya. kahit daw BINGI pero binigay rin ni lord kahit may kapansanan.
  • bestest friend DIANA very much happy with mr. SMART manager..
  • ako? PAULA BIANCA FAJARDO A... 21 y/o, unemployed, single bastard and on her way to DESPERATION.
hindi ako BITTER. hindi nga ako BITTER. sinabi ng hindi ako BITTER..

Saturday, July 23, 2005

im just an innocent bystander when ever i watched you play.
kill me now or ill go nuts and not be able to conceive people like him.

Image hosted by Photobucket.com
ilabhimpramis...

Thursday, July 21, 2005

SM MALLS



WATER REFILLING STATION, para ring REYES HAIR CUTTERS at VIDEO CITY. kung medyo mataas na level of comparison and rampantness... JOLLIBEE o AMA COMPUTER LEARNING CENTER sa bawat lugar. ang bilang ng mga itoy hinahabol na rin ata ng SM MALLS. kung hindi ako nagkakamali meron ng 12 branches yan dito palang sa metro manila.
  • *SM sta cruz- isa sa pinaka una at pinaka ayaw ko sa lahat ng dahil ang fanget ng hitsura at niluma na ng panahon. parang kademo-demolish na saa kalumaan at kasikipan. tuloy pag pumapasok ako dun hindi ako makahinga. (actually ginagawa ko siyang daanan patungong quiapo church.)
  • SM harrison..
  • SM manila- ang paborits naming puntahan nila mader.
  • SM cubao- mas class ng konti to kesa sa SM sta.cruz dahila laging nirerenovate.
  • SM sucat- malaaki ang supermarket section kaya astig dito mag grocery.
  • SM las pinas- una at huli kong punta dito nung promotion ng TULOY ANG LIGAYA album ng paborito kong banda... RIVERMAYA.. so thats 2-3 years ago i think..
  • SM coastal road- ????
  • SM mega AB mall- ang pinaka abnormal sa lahat ng SM pero pinaka trip kong puntahan. hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagtungo dito pero naeengot pa rin ako... ehehehe
  • SM bicutan
  • SM north edsa- nung college ko lang nalamman na SM WEST rin pala ang tawag dito. (sabi ng ilang ginagaw na pala yung building 3 nito
  • SM makati- daanan ng mga galing glorietta patungong MRT AYALA STATION
  • SM sta.mesa-???
  • SM farview- from the name itself. far siya sa akin kaya hindi ko pa napupuntahan.
  • SM tayuman- ang pinaka latest addition sa SM MALLS at pinaka accessible to sa akin.
.. ayon sa tsismis, ginagawa na rin yung magiging main branch at pinaka sa lahat ng SM. it will be located along Macapagal Road. na tatawaging SM ASIA. (ang alam ko yung place na yun yung dating dagat ng manila bay na tinambakan-- e di malabot pa rin yung ilalaim nun? ganun rin yung ginawa sa navotas at malabon di ba? kaya kahit hindi umuulan eh lumulubog pa rin ito sa baha. at bumaba ang kalidad ng lupa every year ng 1cm?)- medyo O.T.
anyway, tapos may panibagong planong SM na gagawin sa may caloocan kaya malamang kung matutloy yun ang kaibigan kong si diana at ang familia niya eh mawawalan na ng bahay at lupa dahil tuluyan ng bibilin at papalayasin na sila kasama pa ang 2, 000 pamilya sa lugar.
bakit parang gustong gusto ng mga SY bawat lugar magkaroon ng branch ang shoemart? oo ngat maraming trabahong mabubuksan pero san naman nila balak irelocate ang mga taong mawawalan ng bahay at kabuhayan?

Tuesday, July 19, 2005

it is raining right now, and i am having so many vision regarding sa 2 commercial na napapanood ko ngayon sa TV.
onli in d pilipens:
ive seen this CLOSE UP FLAVALICIOUS COMMERCIAL and guesshuwattt?? toothpaste that are chocolate flavor, lychee and umm....... i forgot the other one. anak ng OTAP. anong lasa nun? hindi ko alam at gustong gusto ko silang bilin lahat. lalo ng yung chocolate Weird but fun! Its more like grownup's kid toothpaste and take note its limited edition.
pangalawa yung website na pinopromote ng KBP. http://www.phil-job.net/. i visited the page at akoy namangha, nagulat at nagulumihanan sa nakitang NAPAKADAMING trabahong nakalagay doon. how come until now i havent found one yet? fakhet

Monday, July 18, 2005



NAPAKADAMING TAO:
mga raliyistang nagkukumahog makarating sa PASEO. mabilis ang bawat lakas nila.
samantalang ang mga tuhod koy halos kaladkadin na ng mga taong bumabangga sa akin. bantulot akot wala sa sariling binabagtas ang kahabaan ng AYALA. hinahanap ko pa rin siya, umaasang masasalubong ko man lang siya sa ganitong pag kakataon.
MAINGAY:
suntok sa buwang madinig ko ang boses niya, sa gitna ng ibat ibang grupong sumisigaw ng kanilang hinaing sa gobyerno. huminto akot tumingala sa kalangitang naghahati sa liwanag at kadiliman. lumilipad ang mga helicopter na kalmadong nagmamatiyag sa bawat kilos ng mga nasa lupa.
ALAALA KO:
muli, eto ako at binabalikan ang nakaraan... ang mga sandaling yun.
malinaw pa rin sa akin, at tulad ng dati bumabalik ang mga pangyayari. habang sa aking pagtayo sa gitna ng daan, ang mga luha ko at pag asa'y nasama na rin sa ulang dulot ng mga pulang trak =(

Friday, July 15, 2005

SUICIDE

since last week two of my friends were discussing to me theri ideas of DEATH particularly SUICIDE.

ISH who happened to have a project with her ehheemmm BOSS kaya she gathered opinion. ny other friend was actually in his BLUES STATE. pareho silang nakaapekto sa panananaw ko about this matter.

usually we hear from people is very often that the person who hangs himself, slive her wrist o kaya uminom ng lason (tulad ng baygon/ alcohol etc) ay sinsabing MAHINA to face and resolve problem. kung hindi naman may SAKIT SA ULO. they refer SUICIDE as INSANITY. but i think a person who commits it may not be the SANEST person on earth though he could be SANER and stronger than most.

sabi ng essay ni DL Generoso na nabasa ko dati "SUICIDE is not limited to killing onself. it can also be acts that put one's life in grave danger, pursuing a life that leads to PREMATURE DEATH or knowingly walking into an INVITAION TO DIE."

kung ganun pala, si NINOY AQUINO nag commit ng suicide. bumalik kasi siya ng pinas despite ng lahat ng warning na pwede siyang iassassinate. mas lalo na siguro si JESUS CHRIST di ba? who went on with his CHRISTIANIZATION of the world,, fully aware that by his acts he would be CRUCIFIED. sensible ba ako?
ibig sabihin rin kasi suicide ring masasabi kung hindi ako laging humahawak sa loob ng JEEPNEY lalo na pag mabilis yung takbo nito kahit na alam kong pwede akong tumalsik sa labas ano mang oras mabangga yung sasakyan. =D


sabi ni ish sa mga pinoy daw yung concept natin ng SUICIDE nag umpisa nung mga bata pa tayo. kasi sa isang taon ng pag -aaral nag coconsume tayo ng 180 days sa pagkanta araw araw ng BAYANG MAGILIW este LUPANG HINIRANG na pinaparating natin sa kanta na lahat tayo ready "MAMATAY NG DAHIL SAYO"... hehehee

dito na kami nag argue. kasi it is dying for a CAUSE. bakit kasi okey mamatay for a cause, for another person, para sa BAYAN? pero hindi pwede sa sarili?

siguro dati hindi ko maintindihan at sarado isipan ko. kasi karamihan din ayaw ng ganito. most of us dont like it because it makes us feel guilty and responsible for the act. somehow lalo na pag factor tayo o related tayo dun sa nag o mag susuicide. i prefer not to look at it that way anymore. id like to think that maybe, they have a more DEFINED and CONCRETE concept, of and a STRONGER FAITH in the AFTERLIFE.

salamat sa mga friends kong ito at ang dami kong natutunan.

=D

Thursday, July 14, 2005

THINGS THAT OUR PARENTS TAUGHT US WHEN WE WERE STILL KIDS


1.How to appreciate a job well donemother: "kung kayong dalawa e magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga puny*** kayo!kalilinis ko lang ng bahay!"

2. Religionmother: "kapag ung mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na."

3.Logicmother: "kaya ganyan, dahil sinabi ko"

4. More Logicmother: :Kapag ikaw nalaglag dyan sa bubong, ako lang ang manunuod ng sine"

5. IronyM: "sige ngumalngal ka, bibigyan kitan ng iiyakan mo!"

6. ContortionismM: "tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!"

7. Behavior modificationfather: "tatadyakan kita dyan, wag ka ngang nag-uumarte dyan na parang nanay mo!"

8. Anticipationm: "tang'na kang bata ka! hintayin mong makarating tayo sa bahay...!"

9.HumorM: "kapag naputol yang mga paa mo sa lawn mower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!..."

10. GeneticsM: "nagmana ka nga sa ama mong walanghya!"

11. WisdomM: "pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang lahat..."


funny yet true... yeah?!!!

Taken from JUVILS friendster bulletin.

Monday, July 11, 2005

unti unti na kaming iniiwasan ni daddy! hindi na magtatagal at iiwan na niya kami ng tuluyan. kailangan ngayon palang matutunan na ng mga kapatid ko at ni mader tangapin na nagsawa na siya sa amin. na pagod na siya sa amin kabibigay ng mga hinihingi at gusto namin. at tiyak ko rin pagod na yun magtrabaho para sa amin. buong buhay niya kami nalang lagi at siguro, para sa kanya, sarili naman niya ngayon ang pagbibigyan niya. sa isang banda siguro maganda yun, dahil nakita ko naman na kung gaano siya nagsasakripisyo para sa amin. ultimong lumang wallet at relos hindi niya pa mapalitan at pinagtityagaan niya pa yun para lang sa mga luho namin. Pero, hanggang dun nalang ba yun? SAAN BA NAGTATAPOS ANG OBLIGASYON AT RESPONSIBILIDAD NG MGA MAGULANG? pag ba nakatapos na ang kanyang mga anak? pag nabili na ba niya ang mga gusto ng mga anak niya? pag ba may naipindar na rin sila? o pag nag -asawa na rin ba ang mga anak nila? SAAN ba? AKO, hindi ko rin alam. hindi ko pa alam. Siguro kahit papano, may kasalanan at pagkukulang kami sa dada ko, maaaring malaki at hindi na mapagtakpan . pero kung iisipin ko, bumabalik ang SISI sa mga magulang ko kung bakit kami sinanay bigyan ng mga gusto namin. Pagod na ako mag isip. TANGGAP ko na NOON pa. tapos na ang mga nalalaman ko, ang mga naimbestigahan ko, ang mga pinagtakpan ko.
tama na sa mga sakit na nadulot ng mga ito. ilan kong kinikimkim at tinatago na tanging ako lang at si lord at mga taong involve ang nakakaalam.
mahabang pang unawa lamang ang kailangan ng bawat isa.

Friday, July 01, 2005

reyna ng kasablayan

lagot ako sa mommy ko pagdating niya mamaya!
hindi ko alam kung ano magiging reaction niya pag nakita nyang defrosted na yun refrigerator namin, pwede siyang matuwa kasi ngayon ko lang ginawa yun matapos ang mahabang panahon ng katamaran. Pero mas malaki ang posibilidad na magalit siya dahil yun electric fan namin nag-split into two. hahaha.
kasi yun nga lilinisin ko yung ref namin kaya tatapatan ko sana ng electric fan para mabilis matunaw yung iceberg sa loob. habang binibuhat ko, bigla na lang... ay naku po! mabilis ang pangyayari at bigla nalang nabagsak ang ulo ng kawawang electric fan namin. naiwan yung katawan niya sa kamay ko. habang dahan dahan ko tinitingnan ang kuamalas elesi sa mga paa ko.
anak ng OTAP! imbes na kabahan ako ng mga oras na yun eh, natawa ako mag-isa. dahil sa tagal tagal naming gamit yung STAND FAN na yun eh sa isang iglap nakita ko siyang naging WALL FAN. pagkatapos ng ilang minutong state of shock. binalik ko sa katawan yung ulo nung fan. pero tingin ko eh babagsak siya anumang oras. kaya tinalian ko ng plastic na tali. kaya kugn mapansin ng mama ko yun, tiyak tiyak ako.
sa feeling ko kasing mababaliw ako mag-isa sa bahay kanina, bigla ko nalng naisipan mag linis ng ref. at naisipan ko pang dalhin at buhatin yung fan sa harap ng ref. na kinasamaan paalad eh ganun nga ang nangyari. PERO infairness umandar pa naman siya kahit medyo hiwalay na siya sa katawan niya...
HAHAHAHA, hanggang ngayon natatawa pa rin ako. pero mamaya ewan ko kung makakatawa pa ako. lagot!
i have fought the good fight
i have finished the race
i have kept the faith
but, why am i still in malady?

another emotional journey....