Tuesday, October 27, 2009

pwede ba?

nafeel niyo na ba yung isang araw na pag labas mo ng bahay parang may naiwan ka at gusto mong balikan, pero pag bumalik ka naman hindi mo alam yung naiwan mo. tapos lalabas ka ulit na parang ang bigat bigat na ng loob mo na parang ayaw mo ng lumabas at gusto mo nalang mag stay para mahanap yung naiwan mo na something sa comfort zone mo.

tapos at the end of the day, marerealize mo na yung sarili mo pala yung naiwan mo. yung OLD self mong tinatawag. yung bang gigising ka ulit kinabukasan na may kulang sa yo or may nag iba na sayo.

tapos dagdagan pa ng nasasaloob mo na wala kang mapagsabihan ng mga hinaing na ito kasi wala kang maisip na tao na makakaintindi sayo. ang alam mo sa sarili mo wala kang kaibigan na mahihingahan. wala ka kasing mahanap na kaibigan sa napaglagyan mong lugar. may mga nakakasama ka pero wala dun yung strongest link niyo sa isat isa.

nakakamiss yung mga araw na kahit anong oras may itetext ka or tatawagan kahit mundane yung problema mo. may alam kang kaibigan na masasabihan mo na mga kakornihan mo.

ang hirap ng ganito.

i need to vent. kailangan ko naman huminga. hindi enough yung isang taong hinihingahan ko. ibang usapan yun eh. wahhh

sabi ko nga sa friend kong nasa pinas thru email. wala akong mapagkatiwalaan dito. ewan ko nga ba. pwede paki sagot?

pwede ba akong magteleport muna papuntang pinas? pwede ba?

No comments: