Saturday, January 13, 2007

actually, hindi kami nasanay na marami ang tao sa bahay, kahit nung sa pinas. i only lived with my mom, si ate at si khala. si daddy kung minsan pag dumadating sa abroad. pero 1month lang siya nag iistay so parang sanay kami wala yung existence ng lalaki sa bahay. minsan yung mga pinsan ko galing nueva ecija, pero bisita sila eh at kamag anak/ kilala at hindi sila ganun nagtatagal sa bahay. so i really dont have any idea to live with STRANGERS simula nung dumating ako dito.
malaking adjustment. unang una. noon kasi, pag may bisita sa bahay, anti-social ako, magpapakita lang ako sa bisita tapos magtatago na ako sa kwarto namin, kahit pa relatives namin yan. wala talaga akong lakas ng loob mag entertain ng bisita. tas, ayoko ng matanong. lalo na sa personal na bagay, tanong kung san nabili ang ganito ganyan na display sa bahay, sino nagluto and this and that. in short hindi talaga ako sanay na may tao sa bahay namin. feeling ko ang sikip ng pakiramdam ko.
pagdating ko rito, iba. ang dami namin dito sa bahay. no choice eh, kailangan mag pa boarder at mag-pa bedspace para makatulong sa bayad sa malaking renta sa bahay na buwan buwan itinataas ng government ng UAE.
minsan di lang talaga maalis sakin ang mabuwisit sa mga halimaw na kasama namin sa flat na ito. iba iba pala talaga ang tao. may asal hayop, ugaling tiga bundok, may nocturnal, may baboy at iba pa.
eto ang sa palagay kong mga DISADVANTAGES ng may IBANG TAONG KASAMA sa bahay:
* kalinisan- kung ako kasama mo ako sa bahay, (o kahit yung mga kapatid ko) maselan kami sa BANYO. araw araw nililinis dapat, lalo na pagkatapos gamitin. kasi pag hindi nagreretain ang amoy at yung clutter sa tiles. pag di mo nilinis at pinatagal mo, hindi na matatanggal yun kahit anong gawin mong buhos ng disinfectant dyan. kahit inaantok ako at pagod na pagod, talagang lilinisin ko yun. ang kaso, dito, araw araw kong nililinis pero parang umaabuso ang mga tao, feeling nila kasi MAY MAGLILINIS kaya di na nila nililinis kahit pagkatapos nilang gamitin. ang nakakaasar. iniiAASA na nila samin ni ate yung maintenance ng CR. minsan sobrang asar ko hindi ko nga nilinis ng ilang araw, kahit msaakit sa loob ko. pero di ko rin natiis kasi hindi ko kayang gamitin ng ganun ang hitsura. masama mang pakinggan, OC ata ako. pramis, hindi ako Nata-ta*, pag madumi ang CR. ako rin ang naapektuhan kaya no choice ako kung hindi linisin. pinag sabihan na nila ate yung mga tao na yun, pero after ilang araw ulit, balik na sila ulit sa dati pati ang constipation ko. sa umaga sympre lilinisin ko yun, since the whole day wala kami ni ate rito at gabi na kami uuwi. naku, dadatnan ko nalang na ganun kasama ang hitsura ng banyo. pagod na nga ako tapos ang sama sa feeling na hindi ako matata* sa gabi. errr. masama pa nito. akala ni daddy hindi kami naglilinis ng bahay. shoot!
*privacy- kelangan ko nito. pag may kasama ka sa kwarto (kahit pa babae). di maiiwasan talaga yung hindi ka nila madidinig pag may kausap kang tao sa fone, or pag mabibihis ka, pag may mga personal na GAMIT, pag sarili kang pagkain. willing ko naman ishare yung iba, kaya lang minsan kahit ilimit mo yung BOUNDARIES, may mga pilit paring nakiki sabit sa buhay ko. may lumalagpas parin kahit anong gawin. nagiging OPEN kasi ang isat isa eh. kaya minsan feeling nila super close na kayo at pwde na silang mang himasok sa buhay ng may buhay. hindi ko rin naman tinuturing silang IBA sakin. parang sila na rin naman ang 2nd family ko rito. pero i think everyone should know their perimeter. parang ikaw sa kaibigan mo. alam mo dapat kung hanggang saan kalang pwede diba?
*katahimikan- naiinitindihan kong may mga time talagang minsan di ka makatulog at gusto mo nalang makipagkwentuhan til the next millenium. gusto ko naman din yun. pero wag naman lagi lagi na sinasanay niyo na ang sarili niyong gawing pampatulog sa gabi ang kwentuhang wala ring sensei minsan. may mga taong gustong MATULOG NG MAAGA, may gustong magpahinga, mahiga at magtulog-tuluggan at mag daydream, meron ring gusto ng mahabang tulog, yung tuloy tuloy at walang gigising.
*ang sakin sakin- hindi ako madamot, nagpapahiram naman ako, pero bakit simpleng "pahiram nito ah? at salamat" hindi pa masabi? sila na nanghiram, sila pa galit. masamang angkinin rin ang hindi sayo diba? masama rin magbasa ng diary ng may diary. kahit pa wala akong secrets dun. sakin pa rin yun diba?
this home is never been sweet home for me. totoo.

2 comments:

Anonymous said...

Magandang araw po sa inyo,


Ako po si M. Reveillex E. Lim, isang fouth-year BA Sociology student ng University of the Philippines, Diliman. Sa kasalukuyan semestre na magtatapos sa buwan ng Marso, ako po ay nagsasagawa ng pagsasaliksik tungkol sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pamamagitan ng pagbasa at pagunawa sa kanilang mga blog entries.


Maaari ko po bang i-download at pag-aralan ang inyong mga blog entries mula sa pinakaunang buwan sa inyong archives hanggang sa inyong January 2007 entries? Isa po ang inyong blog site(Princesa Bandana) sa aking napili dahil sukat pong mayaman ito sa mga kwento at paglalahad na lubos na makakatulong sa aking mga layunin:


1. Maunawaan ang mga mahihirap at masasayang karanasan ng isang OFW na kadalasang hindi
nakikita o nalalaman ng karamihan ng mga Pilipinong nasa Pilipinas
2. Ipakita ang mga karanasan o sitwasyong kinaharap ng mga OFW na maaaring makabuwag sa mga taliwas na mito o “myths” tungkol sa kanila, ang mga dayunang tao at ang dayuhang bansang kanilang pinagtatrabahuan
3. Unawain ang mga pagbabagong isinasagawa at nararanasan ng mga OFW sa kanilang patuloy na pamumuhay sa ibang bansa sa aspeto ng kanilang kultura (gawi, pananaw, kilos)
4. Matukoy ang mga iba't iba pang aspeto ng buhay ng mga OFW na kanilang isinasakripsiyo habang namamasukan at nananatili sa ibang bansa
5. Matukoy ang mga “migration intetions” ng mga OFW bukod sa pang-ekonomiyang kadahilanan


Nais ko po kayong paalalahana na ang mga layunin na aking isinaad sa taas ay maaaring magbago pa na maaaring maidulot ng aking mga matutunghayan sa inyong blog entries.

Higit po sa lahat, mariin kong ipinapaalam sa inyo na pangangalagaan ang inyong “privacy” at “anonymity” sa naturang pagsasaliksik na ito.


Maaari niyo po akong i-e-mail sa address na ito: RevLim1987@yahoo.com

Kiwipinay said...

kamusta ka na? hindi mo talaga maiiwasan na yan not unless na manirahan ka talaga ng solo mo ang lugar. pakikisama. ikaw ang nakakaunawa, ikaw na lang ang umintindi. mahirap na may makaaway ka dyan. ingat ka na lang parati.

teka muning, bakit dun sa info about you sa side bar mo nakalagay from macau? asan ka ba talaga?