finally, matatawag ko na ang sarili kong MAY TRABAHO.
after 6 months na paghihintay nakuha ko na yung gusto kong trabaho. ganun pala talaga dapat. kailangang maghintay, kailangang mainip paminsan minsan, kailangan magtiyaga, kailangan malaman ko muna kung paano magpasensya para makuha ko yung gusto ko. hindi ko pinlano lahat pero dumating nalang yung pagkakataon sa tamang oras. oo tama. yung ang term dun, TAMANG oras. worth it ang paghihintay ko kahit pa iba na ang visa ko. EMPLOYMENT visa pero mas alam ko ngayong may kasiguraduhan na yung dinadaaanan ko.
maraming nagsasabing suwerte daw ako kasi nasa malaking company ako ngayon ng UAE nagwowork, pero lagi kong sinasabing, ngayong lang dumating yung time ko. wala ngang maniwala sa mga dinaanan ko, physically, mentally, socially, morally, lahat nang may LY sa dulo. at syempre EMOTIONALLY. nakakatorture ang unang mga buwan ko dito. alam niyo yung parang pumapadyak ka na sa sobrang inis mo at wala kang magawa sa pagkakataon na yun. ganun yung feeling ko lagi dati. suicide.
pero ngayon, mas magaan na, 60% ang inilutang ko sa hangin.
mas nakakatawa na ako ng maluwag, mas marami pa akong natututunan sa bagong ENVIRONMENT ko. alam ko, maraming nagdasal sa akin at naniwalang makakaahon rin ako sa lusak =? pero, nakalubog pa ang mga paa ko, alam kong tuluyan na rin akong makakaahon. kelangan lang talagang magHINTAY.
salamat. =D
No comments:
Post a Comment