Thursday, November 28, 2013
back at one
First Day at the gym:
For the longest time, nakilala ko ulit si "inferior-self".
Bagong mga mukha, bagong experience. na-feel ko ulit na mahina ako pag kaharap ko ang maraming taong mga hindi ko kilala.
Dahil sa pitong taon kong nakahon sa kumpanya ko ngayon, akala ko yun na ang comfort zone ko.
Mali ako, may buhay pa pala after 4:30 pm. May mga tao sa labas na nagbuo ng bagong mundo para makawala sa pressure ng opisina, ng mga katrabahong mga chismoso/mosa. sa mga papel na nakaharap sayo. sa mga tawag sa telepono. sa mga tanong ng mga empleyadong paulit ulit at minsan walang kwenta. sa mga katrabahong walang sense kausap. sa mga katrabahong puro pagbubuntis ang pinag uusapan.
hindi ko alam kung paano makawala sa comfort zone ko. ngayon sa unang pagkakataon, ang attempt ko na lumabas sa MUNDONG iyon, hindi ko alam kung pano na pakibagayan yung iba. ramdam kong ako ang mahina sa kausap ko.
i am really struggling and it is getting worse.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment