simula bata ako, kakaiba na yung mga panaginip ko. as far as i could remember, maganda naman ang childhood experiences ko. siguro yun ang dahilan kung bakit kahit pagtulog ko, umaandar pa rin yung sub conscious thoughts ko.
* and hindi ko makalimutan eh yung magcecelebrate na ako ng 7th bday. nanaginip ako na yung bahay daw namin ay gawa sa chocolate and everything around was made of candies, marshmallows and bubble gums. like yung puno, cotton candy daw. it was like a fantasy land.
* nagkaroon rin ako ng mga flicks tulad ng FLYING HOUSE (subscriber kasi kami ng ate ko before sa comics nun), FLYING Carpet (yung eksaktong carpet pa sa living room namin yun lumlipad) at kahit ako mismo lumilipad.
*yung kaberday kong favorite late-uncle ko napanaginipan ko rin when i was 11y/o after he died. binigyan daw ako ng isang basket na apple. i accepted it sa dream ko tapos nung nagising ako at kinuwneto ko sa buong kamag anak ko. nagalit sila lahat sa isang batang katulad ko. malay ko ba. bakit ko daw tinangap eh masama daw yun, sinasama daw ako sa kabilang buhay. nyek. creepy.
*nabunot na rin ang ipin ko sa panaginip kaya ang ending lagi kailangan ko ikagat yung mga ipin ko sa kahoy. (pero ang toto niyan, nawawalan ng pag asa ang ibig sabihin niyan)
*namatay na rin ang kung sino sino at kahit sarili ko sa panaginip ko. - tiwala sa iba at sa sarili o o kailangan iwan ang isang bagay o makalimot ang meaning daw nun...
*aha at iba pang wild animals na ang ibig sabihin sa psych ay mood swings..
nung nag High school na ako. medyo nag mellow yung panaginip ko.
once in a while nalang or talagang di ko na natatandaan. however, minsan nga lang pero tumatatak ang kawierduhan.
tulad ng carrots at iba pang gulay sa bahay kubo na steady lang sa white na background hanggang matapos yung panaginip ko. meron ring kaning tutong na ewan ko kung anong konek sa buhay ko, pero binulabog niya rin ako.
*pangarap ko pala dating maging piloto pero mahina ako sa math kaya puro eroplanong papel lang yung eksena.
*meron ring mga panaginip na fairytale ang drama:
*yung crush ever ko sa FEU nung freshie ako na si VICTOR VALENTIN MONTES, kasama ko daw at pinapayungan pa ako while walking under the rain. shet.
*yung ex-lab interest ko na si neil, kasama yung mataba niya gf at ako daw umiiyak sa isang tabi. drama ito.
* ako daw si cinderella
*(eto yung nagkatotoo pagkatapos ng ilang taon) ang bahista daw ng isang banda at yung gf niya musician, nagbreak na daw.
ang malupit pa, 2yrs ago nung dumating ang dadi ko, nasabik ako sa chocolate kaya hanggang pagtulog kumakain ako. ayun, nanaginip ako ng isang higante- HIGANTENG toothbrush na humahabol sa akin. hehehe
sabi ng prof ko sa psych 112 namin before,
"abnormal dreams doesnt mean u'r abnormal. it doesnt determined the persons capacity, state of mind or it is not even based on kasabihan or something. our dream make us conscious sa mga sub conscious thoughts that is inside us, things that we refused to say, cant say, too scared to say. unspoken words that have fossilised."
- prof. luchi ermita
marami akong weird na panaginip, pero yan lang ang tumatak sa akin na nahanapan ko ng sagot. sana yung iba maananalyze ko ng mabuti pala hindi ako mahimbing sa bangungot.
No comments:
Post a Comment