Madalas pag sinasabi kong hindi ko nakaya, bigla nalang may darating na pangyayari at masasabi ko nalang sa sarili kong, "OK naman pala eh... kaya pa."
eto yung mga halimbawa:
1. kanina nagtext na yung boss ko, sabi niya she'll meet my mom daw tomorrow morning. Wala sa hinagap kong mangyayari ito ulit. yung unang beses na pumunta si amo sa pinas at nagkita sila last yr. malaking bagay na yun sakin na makita niya yung mga pinakamamahal ko sa buhay ko. yung mga inspirasyon ko. tapos ngayon ulit. imimeet niya lit family ko. napapa wow nalang talaga ako. hindi ko akalain na magiging ganyan kabait si amo. kung alam lang ng marami kung gano ang pinag-daanan ko dyan nung nasa lumang office pa kami. pareho kaming bago nun... hay that's another story.
2. sabi nung isang kasama ko sa trabaho nung isang araw. "lots of staffs are coming to meet you, to call you, to ask you... its because they acknowledge you in your position. it means you are effective". isa pang wow. its a good thing to hear it from my one of my good colleague. Bias ba. pero siguro nga kaya siguro ako nakakatanggap ng mga tawag sa madaling araw para sa emergency leave nila, sa passport release nila, sa mga bagong candidates na ilang oras na naghihintay sa airport, sa mga leave na hindi naapprove, sa nawawalang susi, sa nabasang passport, sa chismis ng kapwa nila diser, sa panliligaw ng wala sa lugar, kung magkano ba deduction nila this month, kung may bf na ba ako, kung may increment ba this year, kung may bonus ba. pero minsan kahit nakakapagod sumagot ng napakadaming tanong araw araw. kahit pa minsan feeling ko customer service assistant na ako sa sobrang dmaing tawag ko sa isang araw. masaya pa rin na minsan na naiinis ka na. after all these years, i've learned to love it.
3. kahapon, while checking all those birthdya celebrants for this month. i've learned from one of my collegues. that though that have their bdays on their passports, hindi totoo lahat ng iyun. hindi lahat nag cecelebrate ng birthdays nila. since marami sa kanila, hindi naman alam ang tunay na araw ng kapanganakan nila. marami sa kanila sa obserbasyon ko nag birthday ng 1st january. yun pala eh passport birthdya lang yun. sinc eyun ang unang araw ng taon yun nalang ang lalagay nila dahil wala silang ibang mailagay. maaring iba sa kanila hindi marunong mag basa or magsulat ang mga magulang kaya yun nalang ang naparehistro. salamat pa rin kasi alm ko pa rin ang bday ko. alam kong magcecelebrate pa rin ako. at alam kong pinanganak ako sa araw na iyon.
4. ano man ang complain ko sa trabaho ko minsan. blessed pa rin ako dahil sa daming company na tagilid dito sa bansang ito dahil sa recession. nananatiling matatag ang grupong ito at marami silang natutulungang katulad ko.
salamat lord!