unti unti na kaming iniiwasan ni daddy! hindi na magtatagal at iiwan na niya kami ng tuluyan. kailangan ngayon palang matutunan na ng mga kapatid ko at ni mader tangapin na nagsawa na siya sa amin. na pagod na siya sa amin kabibigay ng mga hinihingi at gusto namin. at tiyak ko rin pagod na yun magtrabaho para sa amin. buong buhay niya kami nalang lagi at siguro, para sa kanya, sarili naman niya ngayon ang pagbibigyan niya. sa isang banda siguro maganda yun, dahil nakita ko naman na kung gaano siya nagsasakripisyo para sa amin. ultimong lumang wallet at relos hindi niya pa mapalitan at pinagtityagaan niya pa yun para lang sa mga luho namin. Pero, hanggang dun nalang ba yun? SAAN BA NAGTATAPOS ANG OBLIGASYON AT RESPONSIBILIDAD NG MGA MAGULANG? pag ba nakatapos na ang kanyang mga anak? pag nabili na ba niya ang mga gusto ng mga anak niya? pag ba may naipindar na rin sila? o pag nag -asawa na rin ba ang mga anak nila? SAAN ba? AKO, hindi ko rin alam. hindi ko pa alam. Siguro kahit papano, may kasalanan at pagkukulang kami sa dada ko, maaaring malaki at hindi na mapagtakpan . pero kung iisipin ko, bumabalik ang SISI sa mga magulang ko kung bakit kami sinanay bigyan ng mga gusto namin. Pagod na ako mag isip. TANGGAP ko na NOON pa. tapos na ang mga nalalaman ko, ang mga naimbestigahan ko, ang mga pinagtakpan ko.
tama na sa mga sakit na nadulot ng mga ito. ilan kong kinikimkim at tinatago na tanging ako lang at si lord at mga taong involve ang nakakaalam.
mahabang pang unawa lamang ang kailangan ng bawat isa.
No comments:
Post a Comment